Panitikan

Subdecks (5)

Cards (98)

  • Ano ang dalawang uri ng panitikan?
    Tuluyan at Patula
  • Ano ang tawag sa maluwag na pagsama sama ng mga salitang katutubong anyo ng pangungusap at pangkaraniwang anyo ng nasusulat o sinasalitang wika?
    tuluyan (prosa)
  • Ito ay ang pagbuo ng mga pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang ang pantig. Ano ito?
    Anyong Patula
  • Ano ang dalawang kayarian ng tula?
    1. Tradisyonal
    2. Malayang Taludturan
  • Isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at kakintalan
    Maikling kwento
  • Isang anyo ng akdang panliteratura na binibigyang buhay sa pamamagitan ng karaniwang pagtatanghal sa entablado
    Dula
  • Isang uri ng pagsulat na naglalamang ng personal na opinyon
    Sanaysay
  • Ang mga pangyayari rito ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay at sumasaklaw sa mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tauhan

    Nobela
  • Batay sa totoong pangyayari na ang layunin ay magbigay ng aral
    Anekdota
  • May layunin itong humikayat, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon sa isang pangyayari o paksa
    Talumpati
  • Uri ng Patula
    1. Tulang Pasalaysay
    2. Tulang Liriko o pandamdamin
    3. Tulang Pandulaan
    4. Tulang Patnigan
  • Tulang Pasalaysay
    1. Awit at Korido
    2. Epiko
  • Ito ay pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at karaniwang ginagalawan ng mga tauhang prinsipe at prinsesa

    Awit at Korido
  • Tulang liriko/padamdamin
    1. Elehiya
    2. Dalit
    3. Soneto
    4. Awit
    5. Oda
  • Isang popular at katutubong tula na may apat na taludtod bawat saknong at may sukat na wawaluhin. Ito ay isang awit na pumupuri sa Diyos
    Dalit
  • Tulang pandamdamin na binubuo ng labing apat na taludturan
    Soneto
  • Pumapaksa sa iba't ibang damdamin gaya ng pag ibig. kalungkutan, kasiyahan at iba pa
    Awit
  • May himig na pamumuri at naghahatid ng damdaming nagbibigay kasiglahan
    Oda
  • Tulang Pandulaan
    1. Melodrama
    2. Komedya
    3. Parsa
    4. Trahedya
    5. Saynete
  • Malungkot ngunit nagtatapos nang masaya
    Melodrama
  • Karaniwang nagtatapos ng masaya
    Komedya
  • Isa ring uri ng dula na nagpapasaya. Ito ay may mga nakakatawang tema na nagpapakita ng relasyon at pagkakaugnay ng mga pangyayari
    Parsa
  • Kabaliktaran ng komedya. Nagtatapos sa kamatayan ng pangunahing tauhan.
    Trahedya
  • Paglalahad ng kaugalian ng isang lahi,
    Saynete
  • Tulang Patnigan
    1. Karagatan
    2. Duplo
    3. Balagtasan
  • isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
    Karagatan
  • Isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran na siyang pumalit sa karagatan

    Duplo
  • Isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa
    Balagtasan