Panitikan

Cards (8)

  • Saan nanggaling ang salitang panitikan?

    pang - titik- an
  • Ang salitang ito ay nangangahulugang literature na siya namang nagmula sa salitang latin na "littera"

    Titik
  • Mula kaninong aklat ang nagsabi na ang tunay na panitikan ay walang kamatayan, nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang - araw araw na pagsusumikap
    Mula sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal, na panitikang pilipino
  • Sino ang nagwika na ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, at sa Dakilang Lumikha?
    Bro. Azarias
  • Sino ang nagwikang ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan?
    Maria Ramos
  • Ano ang pinagkakaiba ng panitikan sa kasaysayan?
    Ang panitikan ay maaring likhang isip o bungang isip lamang o pangyayaring hango sa katotohanan na naisatala, samantalang ang kasaysayan ay pawang pangyayaring naganap - may pinangyarihan, sanhi, at may panahon
  • Bakit dapat mag aral ng panitikan
    1. Makilala ang ating sarili bilang pilipino
    2. Mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyon at kultura
    3. Matanto ang kakulangan sa panitikan
    4. Makilala at magamit ang kakayahan sa pagsulat
    5. Maipamalas ang pagmamalasakit sa sariling panitikan
  • Mga kalagayang nakakapangyari sa panitikan
    1. Klima
    2. Hanapbuhay o gawaing pang araw araw ng tao
    3. Pook o Tinitirhan
    4. Lipunan at Pulitika
    5. Edukasyon at Pananampalataya