Ito ay ang pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol rito
Teorya
Ano ang tawag sa sistematikong pag aaral at mga paraan ng pag aaral ng panitikan na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan kabilang ang layunin ng may akda sa pagsulat?
Teoryang Pampanitikan
Ano ang tawag sa isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto, at pagtuturo?
Dulog
Sangay ng Dulog at mga uri nito
Pagdulog - formalistiko o pang anyo, Moralistiko, Sikolohikal, Sosyolohikal
Pananalig - Klasisismo, Romantisismo, Realismo, Naturalismo, Imahismo, Humanismo at Feminismo
Ang layunin ng teoryang ito ay maipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa pag alalay ng kaniyang pag ibig sa kapwa, bansa at mundong ginagalawan. Binibigyang diin nito ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas. Ito rin ay pagtakas sa realidad o katotohanan.
Romantisismo
Ang teoryang ito ay nakasentro sa utak at isip. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili na siyang pinakasentro ng pananatili sa mundo.
Eksistensiyalismo
Ang teoryang ito ay nagmula sa gresya at mas higit na pinapahalagahan ang isip kaysa damdamin. May layunin itong maglahad ng pangyayaring payak na nagpapakita ng pagkakaiba ng estado sa buhay. Ipinapahayag rin nito na ang akda ay hindi naluluma at nangyayari hanggang sa kasalukuyang panahon
Klasismo/Klasisismo
Ito ang panitikan na sumibol sa panahon ng muling pagsibol o renaissance. Nagmula ito sa salitang ingles na human o tao sa filipino. May layunin ang panitikan na ipakita ang tao bilang pinakasentro ng mundo
Humanismo
Ayon sakanya, ang tao ay ang sentro ng daigdig, sukatan ng lahat ng bagay, at panginoon ng kaniyang kapalaran
Protagoras (Villafuerte, 1988)
Ang layunin ng panitikan sa teoryang ito ay gumamit ng mga imahen na higit na naghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin, at iba pang nais na ibahagi ng may akda na higit na madaling maunawaan kasya kapag gumamit ng karaniwang salita
Imahismo
Ang layunin ng akda ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan sa buhay ng may akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang pamamaraan
Realismo
Ito ay teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinubog lamang ng kanyang pinagmulan at kapaligiran. Sa panitikan, layon nitong ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay
Naturalismo
Sa pagsusuring ito, ang tanging layunin nito ay ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda
Formalistiko
Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraangartistiko ng teksto.
Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama o mali.
Moralistiko
Ang layunin nito ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin. Ang teoryang ito ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinadanas ng tauhan sa kwento.