ESP

Cards (14)

  • MORAL
    Ginagawa ang tama at umiiwas sa mali
  • ISYU

    Mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas
  • ISYUNG MORAL
    Pagkakaroon ng kalituhan at unti-unting pagbabago ang ating pananaw sa moralidad dahil sa pagsulong ng agham at sa mabilis na agos ng pamumuhay ng mga tao
  • PAGGAMIT NG DROGA
    Isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at tuluy-tuloy na pagkakataon
  • ALKOHOLISMO
    Labis na pagkunsumo ng alak o anumang inuming may alcohol
  • ABORSIYON
    O pagpapalaglag ay intensiyonal na pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina
  • PAGPAPATIWAKAL
    Ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan
  • EUTHANASIA
    Isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman
  • Seksuwalidad
    Isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos
  • Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital Sex)

    Gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal
  • Pornograpiya
    Nanggaling sa dalawang salitang Griyego, "porne," na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta sa panandaliang aliw, at "graphos" na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan
  • Sining
    Nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkakaranas ng kagandahan ay nakapagbibigay ng kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang nagawa. Ito rin ay humihikayat na makalinang ng mga kilos at kalooban patungo sa kung anong ipinapakahulugan sa ipinakikita
  • Mga Pang-aabusong Seksuwal
    • Paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba
    • Paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain
    • Sexual harassment
  • Prostitusyon
    Siyang pinakamatandang propesyon o gawain na nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera