Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang salitang panitikan ay nanggaling sa unlaping PANG, sa salitang ugat na TITIK at hulaping –AN, na nagiging panitikan dahil sa pagbabago sa morpemang PANG- at TITIK.
Ang panitikan ay katumbas ng literatura sa kastila at literature sa Ingles.
Ipinahayag nina Alejandro (1991) at Pineda (1978) na ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.
Simplicio Bisa (1987) - ang panitikan ay salamin ng lahi.
Arrogante (1991) - ang panitikan ay malinaw na talaanngbuhay.
Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster - ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t ibang paksa o anumang bungang-isip na naisatitik.
Ramos (1990) - ang lahat ng uri ng tala na kinasasalaminan ng pang-araw- araw na pamumuhay ng tao sa lipunan ng kanilang ginagalawan.
Sauco (1997) - ang panitikan ay buhay, buhay-buhay, pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao
Ayon nga kay Arrogante (1983), ang panitikan, nakasulat man o di nakasulat ay may dalawang anyo:
Patula
Tuluyan
Panitikang Patula ay ginagamitan ng mga piling salita na nahahati sa mga taludtud o saknong na maaaring may sukat, tugma at talinhaga o maari namang wala.
Nabanggit sa aklat ni Santiago (2009), may apat na uri ng anyong patula:
Tulang pasalaysay,
Tulang liriko o damdamin,
Tulang pandulaan/pantanghalan at
Tulang patnigan.
Tulang Pasalaysay ay mga tulang ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay, pag-ibig, pakikipagsapalaran ng bayani o mga bayaning tauhan.
Ayon kay Sauco (1978), ang mga epiko, balad, awitatkurido ay mga halimbawa ng tulang pasalaysay.
Ang Epiko ayon kay Manuel ay tulang pasalaysaynamaydipangkaraniwanghaba at kinakanta o binibigkas na may himig.
Ang Balad ay isang tulang pasalaysaynakinakanta habang may sumasayaw noong unang panahon.
Ang Awit at Kurido ay mga tulang pasalaysay na pumapaksa sa pakikipagsapalaran ng mga tauhang hari at reyna, prinsipe at prinsesa.
Ang Kurido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
Ang Awit ay may sukat na labindalawang pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya.
Tulang Liriko o Tula ng Damdamin ang salitang liriko ay nagpapahayag ng damdamin na maaring damdamin ng sumulat o likha lamang ng mayamang guniguni ng makata atay o hango sa karanasan.
Awitin o Kantahing Bayan – karaniwang pumapaksa sa pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan na ang mga taludtud ay may sukat at tugma o malayang taludturan.
Soneto – Tulang may labing apat na taludtud hinggil sa damdaminatkaisipan.
Elehiya – tulang nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkolsakamatayan.
Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
Pastoral – tulang may layuning maglarawan ng tunay na buhay sabukid
Oda –nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin.
Uri ng Tulang Liriko
Awitin o Kantahing Bayan
Soneto
Elehiya
Dalit
Pastoral
Oda
Pandulaan/ Tulang Dula o Pantanghalan – ang mga tulang pandulaan/tulang dula ay mga tulang isinasadula o itinatanghal na ang usapan ay sa paraang patula
Komedya – dula na ang tunggalian ay nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan
Melodrama – dula na karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal kasama ang opera
Trahedya – Dula na ang tunggalian ay nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
Parsa – uri ng dula ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng nakakatawang pangyayari.
Saynete – uri ng dula na pumapaksa sa karaniwang pag-uugali ng tao o ng pook.
Uri ng Tulang Dula
Komedya
Melodrama
Trahedya
Parsa
Saynete
Tulang Patnigan – Ang mga tulang ito ay karaniwang nangangatwiran, nanghihikayat at nagbibigay linaw tungkol sa isang paksa.
Karagatan – Ito ay paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.
Duplo – Ito ay paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila.
Ensileda – Ito ay paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na gabi.
Balagtasan –. Ito ay tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula.
Uri ng Tulang Patnigan
Karagatan
Duplo
Ensileda
Balagtasan
Ang Panitikang Tuluyan ay nasusulat sa paraang patalata.