Filipino finals

Cards (35)

  • Lakbay-sanaynay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao. Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat tungkol sa lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya, at higit sa lahat, tungkol sa kaniyang sarili.
  • Pagsulat ng lakbay-sanaysay ay isang paraan ng pagkilala sa sarili.
  • Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang diary, hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman, o naisip sa paglalakbay. Hindi ito rekord o simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari.
  • Nangangailangan ang sulating ito ng malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang naglalakbay. (O'neil, 2005)
  • mag-browse lamang sa internet at sari-saring travel blogs na ang makikita na iba-iba ang estilo ng pagkakasulat may seryoso, may magaang basahin, may nagpapatawa.
  • mahusay ang pagkakasulat : impormatibo, nakaaliw, at puno ng inspirasyon.
  • Hindi mahusay ang pagkakasulat : nagkululang ng paglalarawan, hindi lohikal ang ayos ng mga talata, gumagamit ng malalalim na salita, kulang sa repleksiyon, at iba pa.
  • Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa lugar. Ang tuon dito ay sa lugar na pinauntahan. Ano-ano ang mga kilalang destinasyon dito? Nagpupunta kaba sa mga di-gaanong pinupuntahan ng mg turista? Nagandahan kaba sa arkitektura at pampublikong estraktura? Buhay na buhay ba ang lungsod? Masarap ba ang pagkain? Kumain ka ba ng kakaibang putahe? Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig, naamoy, at nalasahan, at naramdaman sa lugar na pinuntahan.
  • Sa paglalakbay, hindi maiiwan ang paghahambing sa lugar na pinanggalingan at pupuntahan. Sa pamamagitan nito, mas nakikilala ang pinanggalingan biglang nakikita ang hindi karaniwang nakikita, naamoy ang hindi naamoy o iniiwasang amuyin, nalalasahan ang matagal nang hindi nalalasahan .
  • Sabi ng manlalakbay, kailangan lumayo upang lubos na makilala ang pinanggalingan.
  • Sinasabi na ang paglalakbay labas sa comfort zone ang susukat sa relasyon ng iba.
  • Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa ibang tao. Kamusta ang mga tao sa iyong pinuntahan? Ano-ano ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila? Katulad ba sila ng mga pilipinong palangiti, magalang, at magiliw sa mga panaunhin? ano ang katangi-tangi sa kanila?anong karasanan mo na kasama sila ang hindi mo makakalimutan? Sino-sino ang mga nakasama mo sa paglalakbay? Sila ba ay kapamilya, kaibigan, kasintahan, o katrabaho? Kamusta naman ang naging relasyon mo sa kanila habang kayo ay naglalakbay? May bago ka bang natuklasan sa kanila?
  • Ang lakbay sanaysay ay tungkol sa sarili. Paano ka kumilos sa lugar na iyong pinuntahan? Ano ang natuklasan mo sa sarili? Paano ka nagbago ng iyong paglalakbay? Ano-ano ang mga bagay na ginawa mo na karaniwan mong hindi ginagawa? Ano ang natutuhan mo sa pagpunta sa ibang lugar? Paano naimpluwensiyahan ng iyong paglalakbay ang iyong pananaw sa buhay? Ano-ano na ang mga pinahahalagahan mo ngayon?
  • Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan. Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito. Maging pamilyar sa politika, ekonomiya, trasdisyon, at relihiyon sa pupuntahang lugar.Makapagbibigay ito ng mga kaalamang tiyak na magagamit kapag naglalakbay na.
  • Habang naglalakabay, danasin ang lahat ng nasa paligid. Amuyin ang mga bulaklak, tikman ang tsaa, pakinggan ang tunog ng lengguwaheng hindi pamilyar, damhin ang init ng araw o lamig ng niyebe. Maglakad-lakad, kausapin ang mga lokal na tao, kilalanin ang sariling kultura .
  • Gumamit ng mga elemnto ng katha upang bigyan ng buhay ang sulatin
    Paano mo isusulat ang iyong mga karanasan sa paglalakbay?
  • Gamitin ang unang panauhang punto de bista, ngunit tiyaking magiging diary ang lakbay-sanaysay. Planuhin muna ang organisasyon ng sanaysay bago isulat. Huwag itong limitahan sa paglalarawan at pagbibigay lamang ng impormasyon. Kailangang maipakita sa mambabasa na may malalim at malinaw na pagkaunawa ang naging paglalakbay.
  • Gumamit ng isang maikling anekdotang naglalatag sa pangkalahatang tono at mensahe nito. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng mambabasa. Ito ay upang hina sila bumitiw sa pagbabasa. Huwag simulan ang sanaysay, halimbawa, sa pagsakay sa bus o sa eroplano. Magsimula agad sa pangyayaring maaaring bumingwit sa interes ng mambabasa.
  • Iwasan ang mga cliche o gasgas nang paglalarawan tulad ng: "pagsasalubong ng langit at dagat", "sumilip ang araw sa likod ng mga bundok", at iba pa. Sikaping bumuo ng orihinal na paglalarawan. Iwasan din ang paggamit ng mga salita o pariralang hindi naman ginagamit sa pang-araw-araw ne pakikipagtalastasan. Maging natural sa pagsulat. Huwag magpasikat. Iwasan ding magpatawa kung hindi
    naman nakatatawa ang tono ng sanaysay
  • Ang photo essay ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto, o magpahayag ng damdamin. Hindi limitado ang paksa ng __.
  • Maaaring ito ay serye ng mga imahen sa mataong bangketa, magulong konsiyerto, o tahimik at payapang bukirin. Maaaring ito ay tungkol sa isang natatanging tao o mga kakaibang pangyayari.
  • Ang photo essay ay katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay. Ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay. May mga photo essay na binubuo lamang ng mga larawan. Ang iba naman ay binubuo ng mga larawang may maiikling teksto. May mga nagsasabing _ ang isang sulatin kung ang kalakhan nito ay teksto at sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabing ang mga larawan dapat ang lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita.
  • Kalikasan ng Photo Essay
    Hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga salita, ang mensahe ng photo essay ay pangunahing makikita sa serye ng mga larawan.
  • ang mensahe ng photo essay ay pangunahing makikita sa serye ng mga larawan. Sa anyong ito, ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga larawan. Gumagamit lamang ng mga salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag kung larawan lamang ang gagamitin
  • Paano inaayos ang mga larawan sa photo essay? Kung kronolohikal ang pagkukuwento sa sanaysay, kailangang ___ din ang ayos ng mga larawan. Halimbawa nito ang dokumentasyon sa buhay sa isang araw ng labandera o basurero.
  • Ang larawang nagtataglay ng pinakamataas na emosyon ay karaniwang inilalagay sa gitna o sa bandang hulihan.
  • Ang mahalaga, sa unang basa o tingin, kailangang malinaw na kung ano ang mensahe ng photo essay.
  • Ano-ano ang mga kailangang isaalang-alang sa paglikha ng isang photo essay? Sa pagbuo nito, siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa. Kailangang alamin din kung magiging interesado ba sa paksa ang magbabasa o titingin nito. Kung tungkol ito, halimbawa, sa reunion ng inyong pamilya, o dokumentasyon ng isang sporting event, hanapan mo ito ng ibang anggulo. Ipakita kung ano ang bago.
  • Tandaan, ang mga larawan ang tuon ng sanaysay kaya kailangan ng masusing pagpaplano.
  • Mahalaga ding kilalanin kung sino ang mambabasa. Intensiyon mo bang ipabasa o ipakita ito sa iyong mga kaklase, sa iyong guro, o sa mas malawak na publiko? Siguraduhing madaling ma-access ng mambabasa ang ginawang materyal. Kung ang target, halimbawa, ay mga kaklase, mainam kung maiuugnay nila ang kanilang mga sarili sa piniling paksa.
  • Maaaring hindi magtatagumpay ang photo essay kung gagamit ng abstraksiyon sa presentasyon ng mga larawan.
  • Kailangang malinaw sa kung ano ang nais patunguhan ng photo essay. Bakit ka gagawa nito? Ano ang iyong layunin? Gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin ng proyekto. Kung ang layunin ay suportahan ang isang adbokasiya o hikayatin ang mambabasa na kumilos, kailangang masalamin ito ng mga piniling larawan. Kung ipagpapalagay na makatatayo nang walang suportang teksto ang mga larawan, hindi na kinakailangan pang magsulat ng maikling paglalarawan o paliwanag. Ngunit minsan ay nakatutulong ang teksto sa pagpapayaman sa kahulugang makukuha sa mga larawan.
  • Sa pagkakataong ito, isulat ang kasaysayan o background ng bawat larawan at ng iba pang mahahalagang impormasyong hindi karaniwang makukuha sa pagtingin lamang sa mga larawan. Gamitin ang pagsulat ng teksto upang malinawan ang mambabasa.
  • Kailangan ding may kaisahan ang mga larawan sa photo essay. Isaalang-alang ang consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay maliban na lamang kung may nais na idiing ideya o damdamin. Halimbawa, mas matingkad ang kulay at matindi ang kontrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil nais na iparamdam ang pagbabago ng tono.
  • Ang mga larawan ang tuon ng sanaysay kaya kailangan ng masusing pagpaplano.