AP

Subdecks (1)

Cards (29)

  • Saligang Batas
    Legal na basehan ng pagkamamamayan sa Pilipinas
  • Mamamayan
    Pinakama-halagang elemento ng estado
  • 2 Prinsipyo ng Pagkamamamayan
    • Jus sanguini - nakabase sa pagkamamamayan ng magulang, sinusunod sa Pilipinas
    • Jus soli/loci - nakabase sa lugar kung saan pinanganak, sinusunod sa Amerika
  • Naturalisasyon
    Legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sumasailalim sa isang proseso sa korte
  • Paano mawawala ang pagkamamamayan?
    • Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
    • Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
    • Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
  • Responsableng mamamayan
    • Makabayan, may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip
  • Universal Declaration of Human Rights
  • Cyrus Cylinder
    Tinagurian bilang "world's first charter of human rights"
  • United Nations itinatag
    Oktubre 24, 1945
  • Universal Declaration of Human Rights
    Itinatag sa pamumuno ni Eleonor Roosevelt at tinawag bilang Magna Carta for All Mankind
  • Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights
    Listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao
  • 3 Uri ng KARAPATAN
    • Natural rights - karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado
    • Constitutional rights - mga karapatang ipinagkaloob at pinapangalagaan ng Estado
    • Statutory Rights - mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas
  • Commission on Human Rights (CHR)

    May pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan ng Pilipinas
  • Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko (Art.II Sec.1)
  • Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan

  • Pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas (Art. V)
  • Sino ang maaaring bumoto?

    • Mamamayan ng Pilipinas
    • Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
    • 18 taon gulang pataas
    • Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon
  • Sino-sino ang HINDI MAAARING BUMOTO?

    • Mga taong nasintensyahan ng hindi bababa sa isang taon
    • Mga taong nasintensyahan ng rebelyon, sedisyon at anumang krimen na laban sa seguridad ng bansa
    • Mga taong ideneklarang baliw
  • 10 Karapatan ng mga Bata
    • Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
    • Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
    • Manirahan sa payapa at tahimik na lugar
    • Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan
    • Mabigyan ng sapat na edukasyon
    • Mapaunlad ang angking kakayahan
    • Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang
    • Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan
    • Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
    • Makapagpahayag ng sariling pananaw
  • Pagkamamamayan-kalagayan o katayuan ng isang tao bilang isang miyembro ng pamayanan o estado •Umusbong sa kabihasnang Griyego,
    • ayon kay Murray Clark ugnayan ng isang indibidwal at ng estado
    Artikulo IV