May Katwiran ang Katwiran - pamagat ng Kabanata 35-41.
Kabanata 35: Reaksiyon
Kabanata 36: Unang mga Epekto
Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral
Kabanata 38: Ang Prusisyon
Kabanata 39: Si Donya Consolacion
Kabanata 40: Karapatan at Kapangyarihan
Kabanata 41: Dalawang Panauhin
Napabuntong-hininga - kasingkahulugan ng paghihinagpis, paghihimutok, o sa Ingles ito ay tinatawag na sigh.
Ayudante - tao o katuwang na tumutulong at sumusuporta sa iba sa kanilang mga gawain.
Sinikaran - pagsipa nang malakas sa anuman.
Alanganin - hindi tiyak o sapat sa isang bagay o sitwasyon.
Paglapastangan - kawalan ng paggalang.
Garil - hindi maayos na pagbigkas ng mga salita.
Alferez - ranggo sa hukbo na katumbas ng pangalawang tenyente at mataas kaysa sarhento.
erehe at filibustero - taong kalaban ng pamahalaan. Sa isang lihim ni Rizal kay Blumentritt, binanggit niya ang kahulugan nito bilang isang patriyotikong malaon ay bibitayin sa kaniyang bayan.
Indio - mapangutyang tawag noon sa Pilipino. Tinatawag lamang na Pilipino noon ang mga Espanyol at mestisong ipinaganak sa Pilipinas, samantalang tinatawag na Peninsular ang Espanyol na ipinanganak sa Espanya.
Monte - isang sugal sa baraha.
Peninsula - isa pang katawagan para sa Espanya.
Nakarating sa gobernadorsilyo ang totoong nangyari.
Tinawag na Filibustero ng mga kurang puti si Don Crisostomo Ibarra.
Si Kapitan Tiago ay may utang na singkuwenta mil kay Ibarra.
Mag-iikasampu ng gabi, nasa plasa ang maraming taong manonood ng dula.
Di ang gobernadorsilyong mahilig sa monte ang nangangasiwa sa palabas, kundi si Don Filipo.
Prinsipe Villardo - hinamon ang lahat ng Moro na tumangay sa ama nito.