Pagbasa Lesson 1

Cards (20)

  • Sulating Pananaliksik
    Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lamang ito simpleng pagsasama-sama ng mga datos na nakalap kundi taglay rin nito ang obhektibong interpretasyon ng manunulat mula sa mga nakuha niyang datos sa primarya at sekundaryang hanguan.
  • Pananaliksik
    Matalinong pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ideya, konsepto, tao, bagay o isyu na nais bigyang linaw, nais patunayan o pasubalian
  • Ang resulta ng pananaliksik ay maaaring maghatid ng bagong konsepto at teorya, o maaari rin namang pasinungalingan ang mga umiiral nang impormasyon at magbigay ng rekomendasyon para palawigin pa ang pagtuklas dito
  • Isa pa sa ikinaiba nito mula sa simpleng sulatin ay ang paghahanda ng metodo upang ito ay maisagawa at ang pangangailangan ng implementasyon upang matasa ang kabisaan nito
  • Pagpili ng Paksa
    1. Alamin ang layunin ng susulatin
    2. Magtala ng mga paksang pagpipilian
    3. Magtala na agad ng maraming ideya sa paksang napupusuan mo
    4. Limitahan ang iyong paksa
    5. Alamin na ang time frame para sa bubuoing sulatin
  • Mga Paghanguan para sa Pagpili ng Paksa
    • Internet at Social Media
    • Telebisyon
    • Mga Babasahin
    • Mga Pangyayari sa Paligid
    • Sa Sarili
  • Ang unang mahalagang hakbang ay ang pagpili ng paksa -- ito ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa sulating pananaliksik. Dito nakasalalay ang ikatatagumpay ng sulatin.
  • Mahabang panahon ang igugugol sa pangangalap ng datos kaya naman nararapat lang na pag-isipang mabuti ang pipiliing paksa bago magkaroon ng pinal na desisyon.
  • Ayon kina Constantino at Zafra (2010) ang pananaliksik ay isang matalinong pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ideya, konsepto, tao, bagay o isyu na nais bigyang linaw, nais patunayan o pasubalian.
  • Internet at Social Media: sa dami ng gumagamit ng hatirang ito ay posibleng makakuha ng bagong paksang maaaring talakayin dahil moderno, napapanahon, makabago at halos lahat ng impormasyon ay naibabahagi rito;
  • Sa Sarili: may mga bagay na curious ka at gustong-gusto mong malaman ang sagot, maaari mong gawing batayan ito dahil tiyak na interesanteng paksa ang mabubuo mo sapagkat hindi lamang isip ang mailalagay mo rito kundi pati na ang iyong puso at damdamin, tiyak na hahantong ito sa isang matagumpay na pananaliksik.
  • Mga Babasahin: kung napapanahon ang target mong paksain, mainam na paghanguan ang mga diyaryo at magasin. Laging bago ang iniaalok ng mga babasahing ito dahil nakabase ito sa kasalukuyang balita at kaganapan sa paligid na maaaring katatapos lamang;
  • Mga Pangyayari sa Paligid: kung hindi naidokumento ng mga diyaryo at magasin ang isang pangyayari, posible na ikaw mismo ang nakatunghay nito, kung gayon ay maging mapanuri at maaaring mula rito ay makabuo ka ng paksa;
  • Telebisyon: bagamat hindi na makabago, mas marami pa rin ang may access sa uri ng midyang ito, laganap ang mga balita rito, mga talk shows, mga programang kuwentuhan at chikahan kaya maaaring isa sa mga paksa ng usapan ay makapukaw ng iyong hilig o interes;
  • Pagbasa Lesson 1
    Ano ang sulating paksa?
  • Sulating paksa
    • Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa
    • Obhektibong interpretasyon
    • Nakukuha mula sa primarya at sekundaryang hanguan
  • Pananaliksik
    Matalinong pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ideya, konsepto, tao, bagay o isyu na nais bigyang linaw, nais patunayan o pasubalian
  • Hakbang sa pagpili ng paksa
    1. Alamin ang layunin ng susulatin
    2. Matagal ng mga pajsang pagpipilian
    3. Magtala na agad ng maraming ideya
    4. Limitahan ang iyong paksa
    5. Alamin ang time frame
  • Mga paksa
    • Internet o Social Media
    • Telebisyon - Talk shows
    • Babasahin - diyaryo at magasin
    • Pangyayari sa paligid
    • Sarili - damdamin, puso
  • Tentatibong Balangkas
    • Pinakakalansay ng sulatin
    • Binubuo ng tatlong papel
    • Blueprint ng sulatin
    • Gumamit ng malalaking titik (A, B, C, D)
    • Romano numbers ( I, II, III, IV, V)