2nd Quarter (Aralin 6 and 7)

Cards (26)

  • Migration o migrasyon - paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan.
  • Panloob na migrasyon (internal migration) - migrasyon sa loob lamang ng bansa.
  • Migrasyong panlabas (international migration) - lumipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon.
  • Migrante - taong lumilipat ng lugar at sila ay nauuri sa dalawa.
  • Migrant - pansamantala
  • Immigrant - permanente
  • Economic migrants - naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
  • Refugee - lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad at labanan.
  • Remittance - ipinadadalang pera sa kanilang pamilya na nagsisilbing kapital para sa negosyo.
  • Multiculturalism - doktrinang naniniwala na ang iba't ibang kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantaysa isang lugar o bansa.
  • Territorial Dispute - suliraning may kinalaman sa hagganan at agawan ng teritoryo ng mga bansa. Nagaganap kung may dalawa o higit pang mga bansa ang umaangkin ng isang lupain o katawang-tubig.
  • Materyal na dahilan - populasyon, likas na yaman, at strategic value ng teritoryo
  • Simbolikong dahilan - kultura at kasaysayan ng estado.
  • MAPHILINDO - saman na binuo ng Malaysia, Pilipinas, at Indonesia na may kasunduang lulutasin nila ang suliranin sa Sabah sa isang mapayapang paraan.
  • Smuggled goods - nagpapahina ng ating ekonomiya dahil nagkakaroon ng kalaban ang mga produktong gawa ng ating mga mamamayan at nawawalan din ng kikitaing buwis ang ating pamahalaan.
  • Political Dynasty - panunungkulan ng mga magkakamag-anak sa politika. Tinaguriang pasahan at pagmana ng puwesto sa pamahalaan.
  • Senate Bill No. 2649 - kilala bilang Anti-political Dynasty Act na isinulat at inihain ni Senador Miriam Defensor Santiago.
  • Korupsiyon o corruption - intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kaniyang kawalan ng integridad o prinsipyo. Nagaganap sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa ibang tao.
  • Graft - pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas.
  • Graft and Corruption - karaniwang paratang sa mga opisyal o nanunungkulan sa pamahalaan na ginagamit ang pampublikong pondo para sa kanilang pansariling interes.
  • Nepotismo - paggamit ng impluwensya
  • Corruption Perceptions Index (CPI) - nagpapahayag ng pananaw tungkol sa korupsiyon sa pampublikong sektor ng isang bansa
  • Markang 0 - napakalala ng korupsiyon sa isang bansa.
  • Markang 10 - walang korupsiyon sa isang bansa
  • Red tape - sobrang bagal na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan.
  • Foreign Aid Transparency Hub - itinatag ng administrasyong Aquino kung saan ito ay isang online information portal ng ating pamahalaan upang maipakita ang lahat ng tulong na ibinibigay sa Pilipinas ng ibang bansa para sa mga Kalamidad.