Pananaliksik lesson 1

Cards (17)

  • Pananaliksik
    Isang sistematikong gawain kung saan naghahanap ng sagot sa katanungan o solusyon sa isang problema
  • Layunin ng pananaliksik
    • Makatulong sa produksiyon ng kaalaman
    • Makatuklas ng lunas sa sakit
    • Makapagpaangat ng kabuhayan ng mga tao
    • Makapagsulong ng kapakanan ng kababaihan, kabataan at mahihirap para sa ikauunlad ng bayan
  • Mahusay na pananaliksik
    • Isinagawa nang may pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon at datos
    • May hypothesis at end goal o inaasahang resulta
    • Sumunod sa tama at sistematikong pamamaraan at proseso
    • May tukoy na saklaw at limitasyon
    • Gumagamit lamang ng tiyak na datos at impormasyon
    • Walang kinikilangan at pandaraya sa resulta
  • Mananaliksik
    • Matiyaga - Naglalaan ng talino, panahon, at lakas para sa mabusising paghahanap ng impormasyon at datos
    • Sistematiko - May sinusundang proseso o pamamaraan para hindi masayang ang oras
    • Maingat - Tinitiyak na totoo at may kredibilidad ang pinagkukunan ng datos
  • Mananaliksik
    • Analitkal - Tinitingnan ang iba't ibang paksang maikakabit sa napiling paksa
    • Kritikal - Bumubuo ng mga makabuluhang kongklusyon, pati na rin angkop at napapanahong rekomendasyon
    • Responsable - Sumusunod sa mga panuto
  • Gamit ng pananaliksik
    Ang lahat ng pagsisikap ng mananaliksik ay dapat nakalaan para sa kapakanan ng bayan at ng kapwa
  • Metodolohiya ng pananaliksik
    Kalipunan ng pamamaraan o metodo na gagamitin o ginagamit ng mananaliksik upang maisakatuparan ang isinasagawang pag-aaral
  • Uri ng metodolohiya
    • Kualitatibo
    • Kuantitatibo
    • Kombinasyon ng kualitatibo at kuantitatibo
  • Etika ng pananaliksik
    • Pag-iwas sa Plagiarism
    • Paggalang sa correspondents o mga kalahok sa pananaliksik
    • Pagiging tapat at paglilinaw sa layunin ng pananaliksik
    • Hindi pagpilit sa mga taong lumahok sa pananaliksik (voluntary participation)
    • Pagtiyak sa kaligtasan ng respondents
    • Pagtiyak na mananatiling "anonymous" ang mga lalahok sa pananaliksik at "confidential" ang impormasyon tungkol sa kanila
    • Walang layuning lituhin, lokohin, o iligaw ang mga lalahok sa pananaliksik
    • Pagiging tapat sa pag-aanalisa ng datos at pag-uulat sa tunay na kinalabasan nito
  • Batayang proseso ng pananaliksik
    • Pagpili ng Pamagat/Paksa
    • Pagbuo ng konseptwal na balangkas
    • Pagtukoy sa metodo ng pananaliksik
    • Pagtukoy sa layunin ng paksa
    • Pangangalap ng datos
    • Pagbuo ng konseptong papel
    • Paggamit ng iba't ibang sistema ng dokumentasyon
    • Pagbuo ng bibliograpi
    • Pagsulat ng burador
    • Pagsulat ng pinal na burador
  • Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal
  • Ang sinabing pananaliksik ay sumailalim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenience sampling
  • Mga paksa ng pananaliksik
    • Tukoy sa layunin ng paksa
    • Pangangalap ng datos
    • Pagbuo ng konseptong papel
    • Paggamit ng iba't ibang sistema ng dokumentasyon
    • Pagbuo ng bibliograpi
    • Pagsulat ng burador
    • Pagsulat ng pinal na burador
  • Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik
    Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal
  • Metodolohiya
    • Quantitative method
    • Nonrandom convenient sampling
  • Walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital
  • Mga tanong
    • Ano ang pangkalahatang paksa ng pag-aaral?
    • Ibigay ang layunin ng pananaliksik.
    • Anong metodolohiya ang ginamit sa nasabing pananaliksik?
    • Paano makakatulong ang ganitong pag-aaral sa mga mamamayan?