Pinagkunan: Labour Force Survey National Statistice Office. www.scb.gov.phbeyondthen umbors/2013/04122013 napraso Retrieved on October 12 2014
Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura
Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon
Nahabati ang sektor ng agrikultura sa
Paghahalaman (farming)
Paghahayupan (livestock)
Pangingisda (fishery)
Paggugubat (forestry)
Mga pangunahing pananim ng bansa
Palay
Mais
Niyog
Tubo
Saging
Pinya
Kape
Mangga
Tabako
Abaka
Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012
Mga produktong kasama sa kabuuang kita ng sekondaryang sektor
Palay
Mais
Iba pang pangunahing pananim
Gulay
Halamang-gubat
Halamang mayaman sa hibla (fiber)
Mani
Kamoteng kahoy
Kamote
Bawang
Sibuyas
Kamatis
Repolyo
Talong
Kalamansi
Mga hayop na binubuo ng paghahayupan
Kalabaw
Baka
Kambing
Baboy
Manok
Pato
Uri ng pangingisda
Komersiyal
Munisipal
Aquaculture
Komersiyal na pangingisda
Uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan
Munisipal na pangingisda
Nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel
Pangisdang aquaculture
Pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nita mula sa iba't ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat)
Ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012
Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4 bilyon at komersyal na may Php65,894.2 bilyon
Iba pang produkto ng pangingisda
Hipon
Sugpo
Damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman
Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura
Mga produkto ng paggugubat
Plywood
Tabla
Troso
Veneer
Rattan
Nipa
Anahaw
Kawayan
Pulot-pukyutan
Dagla ng almaciga
Ang 50% ng kabuuang ani ay mula sa iba't ibang tanim kung saan ang may pinakamataas na bahagdan ay palay na nasa 20%
Ang paghahayupan naman ay nakapaglala ng 13% kung saan ang pagmamanukan ay may 11% na bahagi
Sa aspeto naman ng pangisdaan, mayroong 19% na kinita para sa nasabing taon
Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain
Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa
Mayroon ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging
Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao
Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan
Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka
Dahil dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014
Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya
Ang makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa ng lumalaking populasyon
Ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng aling mga magsasaka ay isa sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura
Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag-isa
Ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa