Nakatuon sa paglutas ng mga suliranin sa tunay na mundo at pagpapaunlad ng isang indibidwal
Pragmatismo
Pag-iisip o pagharap sa mga problema sa praktikal na paraan, sa halip na gamitin ang teorya o abstraktong prinsipyo
Hindi tulad ng Perennialismo, ang progresibismo ay nakatuon sa "karanasan ng tao bilang batayan ng kaalaman kaysa sa awtoridad"
Layunin ng progresibismo sa edukasyon
Para sa paaralan na mapabuti ang lipunan sa pamamagitan ng pagsasangkot sa mga mag-aaral sa mga gawain kaugnay ng paglutas ng mga suliraning kaugnay sa tunay na mundo
Itinuturing ang Progresibismo bilang isang umuugong na modelo ng demokrasya
Layunin ng mga progresibong pagsusulat
Ilantad ang mga sakit, problema, at mga hindi makatarungang gawain na umiiral sa buhay ng tao at lipunan, at dapat magbigay-lakas sa mga tao upang malampasan ang mga ito
Ang pagbabago at pag-unlad ay natural na pangyayari sa bawat aspeto ng buhay ng tao
Ang pangunahing responsibilidad ng isang mabuting teksto sa panitikan ay malaman ang mga pagbabago na kinakaharap ng mga tao at bigyan ito ng representasyon
Georg Lukacs: '"Walang panitikan kung wala ang paglitaw ng pagbabago at pag-unlad."'
Vijae Alquisola: 'Ang anumang uri ng genre ay may potensyal na maging progresibo, basta't ito ay "nakahanay sa isang adhikain na hamunin at baguhin ang anumang bagay na sumisira sa dignidad ng tao, lalo na ang mga inaapi na umiiral sa lipunan."'
Katangian ng isang progresibong manunulat
Nagbibigay-tinig laban sa "status quo;" at nagrerepresenta sa mga pangarap at ekspektasyon ng mga karaniwang tao; at nagbibigay ng lakas sa kanila upang magpatuloy para sa pagkamit ng mga ekspektasyong ito
Halimbawa ng progresibismo
Ang Noli Me Tangere
Ipinakita ang mga pang-aabuso at kawalang-katarungan ng mga kolonyalistang Espanyol at mga pari ng Simbahang Katoliko
Binigyang-diin ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, ekonomiya, at pulitika sa ilalim ng kolonyal na pamamahala
Nanawagan para sa mga repormang panlipunan at pagpapalakas ng mga Pilipino
Hinikayat ang mga Pilipino na tanungin ang umiiral na lipunan at magtulungan para sa mas makatarungan at pantay na lipunan
Nakatulong sa pagpanday ng pambansang pagkakakilanlan at kamalayan ng mga Pilipino
Nagbigay ng importansya sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas, nag-ambag sa paglaki ng kamalayang pambansa
Teoryang Konstruktibismo
Nagpapahiwatig na ang mga tao ay nagkakaroon ng kaalaman at pagkatuto sa pamamagitan ng karanasan, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang mga ideya at pagtatanong sa nakuha na kaalaman
Mga Halimbawa ng Panitikang Filipino na may Teoryang Konstruktibismo
Dekada '70 ni Lualhati Bautista
Ang Tundo Man May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz
Mga mailing kwento ni Genoveva Edroza-Matute
Sa pamamagitan ng mga akdang ito, naipapakita ng panitikang Filipino ang konsepto ng konstruktibismo sa paglikha ng kahulugan at identidad sa konteksto ng lipunan at karanasan ng bawat indibidwal
Paano kung gagamitin ang konstruktibismo sa suring-basa?
Interpretasyon Batay sa Mambabasa
Kontekstong Kultural
Aktibong Pakikisangkot
Interpretatibong Komunidad
Dinamikong Interpretasyon
Empatiya at Pag-unawa
Ang pamamaraang ito ay nagpapakita kung paano tinatanggap ng konstruktibistang paraan ng pagtatala sa panitikan ang aktibong papel ng mga mambabasa sa pagbuo ng kahulugan
Humanismo
Nagmula sa saltang ingles na Human o tao sa Filipino, nagpakita na ang tao ang sentro ng mundo at binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, at iba pa
Ang pananaw ng Humanismo ay nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos, "ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang sarili"
Konstruktibistang paraan ng pagtatala sa panitikan
Aktibong papel ng mga mambabasa sa pagbuo ng kahulugan
Ang mga kahulugan ay walang sariling interpretasyon, sila ay dinamiko, na naaapektuhan ng personal, kultural, at panlipunang mga salik, at maaaring magbago sa paglipas ng panahon batay sa pag-unlad ng pananaw at karanasan ng mambabasa
Humanismo
Umusbong sa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento, nagmula sa saltang ingles na Human o tao sa Filipino
Layunin ng Humanismo
Ipakita na ang tao ang sentro ng mundo
Binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, at iba pa
Pananaw ng Humanismo
Nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos
Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran - Protagoras
Ang humanismo ay hindi dapat ipaliwanag ang kahalagahan ng tao sa pamamagitan ng herediti at kapaligiran, hindi dapat kilalanin ang isang tao sa pamamagitan nito
Pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na humanistiko
Pagkatao
Tema ng kuwento
Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
Mga bagay na nakaiinfluwensya sa pagkatao ng tauhan
Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema
Eksistensiyalismo
Nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo at lubos na lumaganap noong ika-19 hanggang ika-20 siglo
Mga taong nagpasimula ng Eksistensiyalismo
Sorem Aabye Kierkegaard
Jean-Paul Sartre
Albert Camus
Teoryang Eksistensiyalismo
Nakasentro sa utak at isip, hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyang-halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran, sinusuri ang tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, paninindigan na ang tao lamang ang tanging may kakayahang magdesisyon sa kanyang sariling buhay
Pananaw-Eksistensiyalismo
Malaya ang tao
Responsable ang tao
Indibidwal ang tao
Walang lamang ka pagsasabi kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa pinaguusapan
Layunin ng Eksistensiyalismo
Ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence)
Mga katangian ng Eksistensiyalismo
Hindi bahagi ang pagkukunwari
Ikinokondena ang pagsasawalang kibo
Kailangan harapin ang katotohanan at konsekwensya
Hindi tinatakasan ang responsibilidad na kaakibat ng aksyon
Pinahahalagahan ang pagkilos
Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang Eksistensiyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter na may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan upang hamunin o tanggapin ang resulta ng kanilang kalayaang pinili