Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng pananaliksik. Nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
Pagsusumite ng papel na gawa o produkto ng iba o sabay na pagsusumite ng iisang papel sa magkaibang kurso
Redundant Publication - nagpapasa ang isang pananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon
Self-plagiarism - ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit sariling ideya ang pinagmulan nito
Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit hindi naman ito nagamit sa pananaliksik o kaya ay paglalagay ng mga aklat o materyales na hindi naman personal na nabasa at ginamit, bagkus ay nakita lamang na binanggit sa aklat ng iba
Nakasalalay sa kasinupan at katapatan ng pananaliksik ang integridad nito. Kung isasapuso ng sinumang mananaliksik ang makalipunan at makataong kalikasan ng gawaing ito, tiyak na susunod ang pagiging matuwid at makatuwiran.