FILIPINO

Cards (70)

  • Tauhan ang nag bibigay-buhay sa maikling kwento
  • Tauhan- ito ay maaring masama o mabuti
  • tagpuan - ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento.
  • banghay- ito ang maayos at wasting pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
  • maikling kuwento- ay isang anyo ng panitikang nag sasalaysay sa madali, maikli, at masining na paraan.
  • ano ang limang pag kakasunod na pangyayari sa banghay o maikling kuwento?
    1. simula
    2. tunggalian
    3. kasukdulan
    4. kakalasan
    5. wakas
  • simula- ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito.
  • simula- dito ipinapakilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento.
  • tunggalian- dito makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang kahaharapin.
  • kasukdulan- ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya't ito ang pinakamaaksiyon.
  • kasukdulan- sa bahaging ito nabibigyangsolusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi
  • kakalasan- sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento.
  • kakalasan- ito ay nag bibigay ng daan sa wakas
  • wakas - ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaring masaya o malungkot
  • Awiting-bayan - ay tinatawag ding kantahing-bayan
  • awiting-bayan - isa sa mga uri ng sinaunang panitikang pilipino na naging popular bago pa man dumating ang mga espanyol.
  • Awiting bayan- ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.
  • Balitaw- Panghaharana ng mga bisaya
  • Kundiman- awit ng pag-ibig sa mga tagalog
  • pananapatan - ay isa pang uri ng awit ng pag-ibig sa mga tagalog
  • pananapatan- awiting inaawit kapag dumadalaw o nanghaharana ang binata sa kanyang nililiyag o nililigawan
  • dalit- awit na panrelihiyon o himno ng pagdakila ng maykapal
  • diyona- awitin sa panahon ng pamamanhikan o kasal
  • dung-aw - awit sa patay ng mga ilocano
  • kumintang- awit ng pakikidigma o pakikipaglaban
  • kutang-kutang - karaniwang inaawit sa mga lansangan
  • soliranin- awit sa paggagaid o pamamangka
  • maluway- awit sa sama-samang paggawa
  • oyayi o hele- pang hele o pampatulog ng bata at tinatawag na lullaby sa ingles
  • pangangaluwa- awit sa araw ng mga patay ng mga tagalog
  • sambotani- awit ng pagtatagumpay
  • talindaw- isa pang uri ng awit sa pamamangka
  • hinuha- ay mga pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon
  • Hindi kailangan maging maingat sa pagpapahayag upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. False
  • Ano ang dalawang romansa?
    1. awit
    2. korido
  • ano ang ibigsabihin ng MAK?
    1. M- mabilis
    2. A- allegro
    3. K- Korido
  • Ano ang ibigsabihin ng AMA?
    1. Awit
    2. Mabagal
    3. Andante
  • Awit- ay binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludturan, apat na taludtod sa isang taludturan
  • Korido- Binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan
  • awit- ay tungkol s bayani at mandirigma at larawan ng buhay