Don Pedro - panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana sya ang pinakamacho ang katawan at kainaman ang postura. Tinaksilan niya ang kanyang kapatid dahil sa selos. Magiging asawa niya rin si Princesa Leonora
Don Diego - Pangalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana sa tatlo siya ang pinaka tahimik.Lagi nyang sinusunod ang mga utos ni Don Pedro, magiging asawa si Princesa Juana.
Don Pedro - Bunsong nina Don Fernando at Donya Valeriana, siya ang paboritong anak. Siya rin ang nakahuli sa ibong adarna. Magiging asawa niya naman si Maria Blanca.
Haring Fernando - siya ang hari sa kaharian ng Berbanya. Asawa nya si Reyna Valeriana at may tatlong anak, nagkasakit at ang tanging lunas lang ay ang awit ng ibong adarna.
Donya Valeriana - siya ang reyna sa kaharian ng berbanya. Asawa nya si Haring Fernando. Kilala ng ibang tao bilang maganda, mabait at matalino.
Ibong Adarna - Ito ang makakapag pagaling sa sakit ni Don Fernando. Siya ay dumadapo sa Piedras Platas na nasa bundok ng tabor. Itinuring nyang ang amo nya ay si don juan.
Princesa Leonora - Siya ang kapatid nina princesa juana at M.Blanca nakatira sa loob ng balon at sa huli ang naging asawa nya ay si don pedro.
Princesa M.Blanca - siya ay isang magandang princesa sa Reyno De los Cristales, gumagamit sya ng puting mahika, Siya ang tinutukoy ng ibong adarna kay don juan. Ang ama nya ay si Haring Salermo
Napangasawa nya si Don juan
Princesa Juana - siya ang unang natagpuan ni Don juan sa balon. Siya ang unang inibig ni Don juan. Niligtas rin ni don juan sa higante Napangasawa si Don diego.
Haring Salermo - siya ay hari sa Reyno De Los Cristales Siya ang ama ni M.Blanca, Gumagamit sya ng itim na mahika. Siya ang tumututol sa pag iibigan nina M.Blanca at Don Juan.
Mangagamot - Siya ang mangagamot ni haring fernando ngunit di niya mapagaling si haring fernando at sinabi na ang makakapag pagaling lang sa kanya ay ang awit ng ibong adarna.
Higante - Siya ang dambuhalang higante na nakabantay kay Donya Juana. Napatay ni Don Juan ang higante.
Serpyente - ito ay may pitong ulo, kapag pinutulan mo ang isa tutubo ulit, ito ang nag babantay kay donya leonora. Napatay din ni don juan ang serpyente dahil tinulungan ni donya leonora na mapatay gamit ang Balsamo
Lobo - Ito ang alaga ni Donya Leonora at siya ang tumulong kay don juan at binuhusan nya ito at gumaling.
Agila - ito ang sinakyan ni Don Juan papunta sa Banyo/batis ni M.Blanca
Arsobispo - siya ay kasunod sa hari, siya ang makakapag bigay ng desisyon. Sabi nya dapat si donya leonora at si don juan at hindi si M.Blanca, pero sa wakas si Donya M.Blanca at don juan parin ang nag ka tuluyan.
Unang Ermitanyo - Siya ay isang matandang lalaki na nakatira sa kabundukan na tumulong kay don juan hulihin ang ibong adarna. Binigyan ng 7 na hinog na dayap at matalim na labaha at gintong sintas.