Aralin 12

Cards (13)

  • Disenyo
    Kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik
  • Pamamaraan
    Paano mabibigyang-katuparan ang disenyo
  • Mga Batayang Pamamaraan
    • Sarbey
    • Pakikipanayam
    • Dokumentaryong Pagsusuri
    • Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon
  • Sarbey
    Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik
  • Pakikipanayam
    Ang pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik
  • Uri ng Pakikipanayam
    • Structured Interview
    • Semi-structured Interview
    • Unstructured Interview
  • Pagsasagawa ng Pakikipanayam
    1. Maging maagap sa itinakdang oras ng panayam
    2. Ihanda ang gabay sa panayam at iba pang kakailanganing materyales
    3. Magsagawa ng inisyal na pananaliksik tungkol sa kakapanayamin
    4. Magsalita nang malinaw kung nagtatanong o nagpapaliwanag at maging magalang sa bawat kilos at pagsasalita
    5. Magbigay ng simpleng token o sulat ng pasasalamat sa taong kinapanayam, hindi bilang suhol, kundi pagpapakita ng pagpapahalaga sa oras na nilaan ng kalahok
  • Dokumentaryong Pagsusuri
    Isang pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin
  • Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon
    Ginagamit ito sa mga uri ng pananaliksik na nagangailangan ng field study gaya ng etnograpiya
  • Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
    Nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito ay kung sino, tagasaan, o kaya kung sa anong institusyon o organisasyon may kaugnayan ang kalahok
  • Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
    Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik
  • Paraan sa Paglikom ng Datos
    Nilalaman naman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos
  • Paraan sa Pagsusuri ng Datos
    Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba't ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos