Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego
Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito
Kapitan Tiyago - mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal na panahon sa San Diego
Padre Salvi - kurang pumalit kay Pari Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara
Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang inang si Doña Pia kay Pari Damaso
Pilosopong Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng mga marurunong na mamamayan ng San Diego
Sisa - isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit
Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali
Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila
Don Tiburcio de Espadana - isang pilay at bungai na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Doña Victorina
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Pari Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara
Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang
Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di'natuloy na pagpatay kay Ibarra
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
Donya Pia - masintahing ina ni Maria Clara na namatay kaagad matapos na siya'y maisilang
Kapitan Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Pari Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe
Kapitan Basillo, Kapitan Tinong, Kapitan Valentin - ilan sa mga kapitan sa bayan ng San Diego.
Tenyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol. ni Ibarra sa alaala ng ama
Padre Sibyla - paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra
Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa
Iday, Sinang, Victoria, Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
DonSaturnino - nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng mga kasawian ng nuno ni Elias
MangPablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias