Pananakop ng Portugal, Netherlands, at England sa Indonesia
1. Sumakop - Portugal, Netherlands, at England
2. Mga Lugar na Sinakop - Nasakop ng Portugal ang Moluccas, inagaw ng Netherlands, at panandaliang nakuha ng England subalit ibinalik din sa Netherlands
3. Dahilan ng Pananakop - Mayaman sa Pampalasa, mga sentro ng kalakalan, at maayos na daungan
4. Paraan ng Pananakop - Nagtayo ng mga himpilan ng kalakalan ang mga Portuguese, pinaalis ng mga Dutch ang Portuguese sa pamamagitan ng mas malakas na puwersang pandigma at gumamit din sila ng Divide and Rule Policy (Pinag-aaway ng mga mananakop ang mga local na pinuno)
5. Epekto ng Pananakop - Pangkabuhayan: Maraming mga produkto ang kinokolekta gayunpaman, ang pag-unlad ay pumanig sa mga kanluranin, Sapilitang pagkontrol (monopoly) inuna ng mga Asyano ang magtanim kaysa kumain. Ipinagbawal ang pagtatanim ng mga halamang pampalasa sa mga pribadong mamamayan