Nagkamit ng Unang Gantimpala sa 2nd Calidad Humana National Essay Photography Competition noong Setyembre 2013 si Mark Joseph Solis, isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas
Ang larawan na kinuha ni Solis ay tungkol sa isang batang tumutulong sa kaniyang ama na manguha ng halamang-dagat sa isang komunidad ng mga mangingisda sa Zamboanga
Pinabulaanan ni Gregory John Smith, isang social worker at isa sa mga nagtatag ng Children at Risk Foundation, na ang orihinal na larawan ay kinuha niya sa Brazil noong 2006 at inilagay sa internet, na siya namang kinuha at inangkin ni Solis
Umamin sa nagawang kasalanan si Solis. Personal siyang gumawa ng liham kay Smith at sa harap ng publiko ay sinabing isasauli niya ang anumang napanalunan sa paligsahan sa orihinal na may-ari ng larawan
Pinagpasyahan ng lupon na nag-imbestiga na tuluyan na siyang paalisin sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan kasalukuyang nag-aaral ng MA Public Administration si Solis
Etika
Pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama o mali
Etika sa pananaliksik
Pagsunod sa pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pangungunasa kapakanan ng kapwa
Mga Gabay Etika Sa Pananaliksik
Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya
BoluntaryongPartisipasyon ng mga kalahok
Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakilanlan ng kalahok
Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
Plagiarism
Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
Mga halimbawa ng Plagiarism
Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag
Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala
Pangongopya ng maraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito
Mga kilalang tao sa Pilipinas na nasangkot sa kaso ng Plagiarism