Filipino

Cards (50)

  • Simoun
    Napakayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapitan Heneral, makapangyarihan kaya iginagalang at pinangingilagan ng mga INDIO at maging ng mga PRAYLE, nais niyang udyukan ang damdamin ng mga Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasaik ng rebolusyon kahit siya'y inuusig ng kaniyang bugdhi sa kanyang ginagawa
  • Kapitan-Heneral
    Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan, sinasabi niyang kailangan niyang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain, nais magpakita ng kasipagan, kaya gingawa niya habang naglilibang at pagmamadali, pinunong pabigla-biglang humahatol, alintana ang kapakanan ng kanyang pinaumunuan, salungat sa pasiya ng Mataas na kawani
  • Mataas na Kawani
    Isang kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may mabutiing kalooban para sa kapakanan ng mga makbagong mag-aaral na nagsusulong ng patuturo ng wikang Kastila, sumasalungat pag hindi pinag-isipan ng mabuti ang panukalan ng mga Opisyal
  • Padre Florentino
    Kagalang-galang na paring Pilipino, pinilit ng inang mag lingkod sa Diyos, kumupkop sa pamangkin niyang si Isagani nang maulila
  • Padre Bernardo Salvi
    Mapag-isip na paring pransiskano na iginagalang din ng kasamahan niyang prayle, umibig kay Maria Clara, kompesor ng dalaga
  • Padre Hernando Sibyla
    Matalinong paring Dominikano, Vice-rector ng UST, salungat sa pagpasa ng panukalang makapag-aral ng wikang Kastila
  • Padre Irene
    Paring kanonigo, di iginagalang ni Padre Camorra, nilapitan ng mga mag-aaral upang maipasa ang panukalang makapagturo ng Wikang kastila, tagaganap na huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago
  • Padre Fernandez
    Paring Dominikano na bukas ang isip sa pagbabago sa edukasyon, sang-ayon sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng Wikang kastila, hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
  • Padre Camorra
    Kura ng Tiani, batang paring Pransiskano katungayaw si Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan, walang galang sa kababaihan
  • Padre Millon
    Paring Dominikano, propesor sa Pisika at Kemika, makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon, bantog makipagtalo ngunit hindi makapagturo ng mahusay
  • Telesforo Juan de Dios
    "Kabesang Tales", magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain, piniling maging kabesa dahil sa kasipagan at mabuting tao, umunlad dahil mahusay ginamit ang kaniyang kinitang pera
  • Juliana o Juli
    Pinakamagandang dalaga sa Tiani, anak ni Kabesang Tales, mapagmahal sa pamilya, marunong maghintay sa katipang si Basilio, Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte
  • Tata Selo
    Tatay ni Kabesang Tales, mapagmahal na lolo ni Juli at Tano, kumalinga kay Basilio sa gubat nang siya't tumakas sa guwardia sibil sa NMT, tiniis ang matinding kasawian ng mga mahal niya sa buhay
  • Tano/Carolino
    Anak ni Kabesang Tales na sumunod sa kagustuhan ng amang magsundalo, nawala nang matagal at nagbalik, siyang naging dahilan ng kasawian ng mahal
  • Basilio
    Nalamapasan ang hilahil sa buhay, nagpaalipin kay Kapitan Tiago, nag punyagi sa pag-aaral, nilunok ang pangmamaliit dahil sa kalagayan nito, nakapanggamot kahit hindi pa natnggap ang diploma
  • Isagani
    Pamangkin ni Padre Florentino, malalim na makata/manunugma, mahusay makipagtalo, matapang sa pagpapahayag ng pinaniniwalaan kaninuman, ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain
  • Makaraig
    Nangunguna sa pagbabago, abogasya na nagunguna sa panawagang pagbukas sa pagturo ng Kastila, napakayaman at bukas-palad sa kapwa, masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, palabasa ng iba't ibang aklat
  • Placido Penitente
    Parang bulkang sumabog pag siya'y napuno at walang kinatatakutan, mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit lubhang kinaiinisan niya ito
  • Pecson
    Mapanuring mag-aaral, masigasig makipagtalo upang mailabas ang matalinong isipan, hindi agad-agad naniniwala sa bali-balita lamang kaya lumalabas na siya'y mapangam-bahin at laging nag-aalala
  • Juanito Pelaez

    Mayamang mag-aaral na tamad lakwatsero, manliligaw ni Paulita Gomez, inaabuso at tintakot si Placido, may kapansang pisikal pero hindi ito ipnakitang sagabal dahil nakamit niya ang mga nais
  • Sandoval
    Tunay na Espanyol, nais mailabas ang katotohanan sa usapin, mahilig makipag debate ng kahit na anong paksa upang siya ay mahangaan
  • Tadeo
    Mag-aaral na lubahng tamad atnagsasakit-sakitan, hangad niyang walang pasok lagi, nagdudunong-dunungan siya at nagyayabang sa walang-muwang na nilalalng, may kahambugan, walang ambisyon sa buhay, at malaswang magsalita
  • Paulita Gomez
    Pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani, npakagandang dalaga na hinahangaan ng karamihan, laging maayos at maalaga sa sarili
  • Donya Victorina de Espadana
    Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi, inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kalipi
  • Don Tiburcio de Espadana
    Asawa ni Donya Victorina, hindi na muling nagpakita sa asawa dahil sa kapritso nito, lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
    Dating kaibigan ng mga prayle, kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni buhay ni Basilio, nawalan ng kahulugan ang bahay nang pumasok sa monasteryo si M. C., nawala siya sa katinuan
  • Maria Clara delos Santos
    Tanging babaeng inibig ni Simoun, dahilan ng pagbalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun, nais siya'y iligtas ni Simoun
  • Donya Victorina de Espadana
    Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi; Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kalipi
  • Don Tiburcio de Espadana
    Asawa ni Donya Victorina; hindi na muling nagpakita sa asawa dahil sa kapritso nito; lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
    Dating kaibigan ng mga prayle; kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio; Nawalan ng kahulugan ang bahay nang pumasok sa monasteryo si M. C.; Nawala siya sa katinuan
  • Maria Clara delos Santos
    Tanging babaeng inibig ni Simoun; dahilan ng pagbalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun; Nais siyang kunin at itakas ni Simoun sa monasteryo
  • Kapitan Basilio
    Ama ni Sinang at asawa ni Kapitan Tika; mayamang mamamayan na Taga-San D; Galante sa mga pinuno at kawani upang maiwasan ang problema
  • Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
    Nakapag-asawa ng maganda at mayamang Mestiza; Kaibigan ni Ben Zayb; alam niya ang tungkulin subalit kakatwa ang kanyang mga panukala at pasiya; Umangat ang kaniyang posisyon at naging Kappitan-Heneral dahil sa talino
  • Ben Zayb
    Mamahayag na malaya mag-isip; Minsan kakatwa ang paksang nais magkaroon lang ng ilalathala; mababa ang pagtingin kay Padre Camorra; Siya ang utak sa lumalabas na mabubuting balita tungkol sa matataas na opisyal upang mapalapit sa mga ito
  • Ginoong Pasta
    Dating kaklase ni Padre Florentino; mapanuri at namimili ng kausap; Naging alila ng mga prayle abgo naging pinakatanyag na abogadong Pilipino; Takot mamagitan para sa kaunlaran ng mag-aaral
  • Pepay
    Kaakit-akit na mananayaw; maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipino; mahilig humingi ng mga pabor sa kaibigang si Don Custodio at Juanito Pelaez
  • Hermana Bali
    Batikang pnggingera; nanguna sa pagbibigay-payo sa kanilang baryo; nagpayo kay Juli na magpaalipin at tnungkol sa pagkakulong ni Basilio
  • Hermana Penchang
    Masimbahing manang; naging panginoon ni Juli; Mapanghusga sa mga taong sawimpalad; Takot sa mga prayle
  • Kapitana Tika
    Asawa ni Kapitan basilio at ina ni Sinang; ayaw magpahalata nanagugustuhan ng mag-ina ang mga alahas upang hindi taasan ang presyo ni Simoun
  • Sinang
    Matalik na Kaibigan ni Maria Clara sa N.M.T; anak ni kapitan basilio at Kapitan Tika; Nakapag-asawa sa nobelang ito; mabiro at masiyahin; Mahilig sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas