fil

Cards (27)

  • Tula
    Isang sangay ng panitikan na naglalarawan ng buhay at kalikasan na likha ng mayamang guniguni o imahinasyon ng makata. Karaniwan itong binubuo ng mga taludtod, tugma, sukat, kariktan at matalinhagang mga pahayag
  • Mga Uri ng Tula
    • Padamdamin/Liriko
    • Pasalaysay
    • Tulang Dula
    • Tulang Patnigan
  • Tulang Padamdamin/Liriko
    Nagtataglay ng mga karanasan, guniguni, kaisipan at mga pangarap tungkol sa pag-ibig, ligaya, lungkot, hinanakit atbp. Karaniwan itong maikli at payak at itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin
  • Mga Uri ng Tulang Padamdamin/Liriko
    • Awit (Dalitsuyo)
    • Pastoral (Dalitbukid)
    • Oda (Dalitpuri)
    • Dalit (Dalitsamba)
    • Soneto (Dalitwari)
    • Elehiya (Dalitlumbay)
  • Awit/Dalitsuyo
    May paksa ng pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati
  • Pastoral/Dalitbukid
    Ilarawan ang tunay na buhay sa bukid
  • Oda/Dalitpuri
    Tulang nagpapahayag ng paghanga o pagpuri sa isang bagay. Ito ay walang tiyak na bilang ng pantig o bilang ng taludtod sa isang taludturan
  • Dalit/Dalitsamba
    Isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba
  • Soneto/Dalitwari
    Tulang may labing-apat na taludtod (14) at ang bawat taludturan/saknong ay may dalawang taludtod. Karaniwang pumapaksa sa damdamin at kaisipan at nakikilala sa matinding kaisahan at kasiksikan ng nilalaman
  • Elehiya/Dalitlumbay
    Tulang nagpapahayag ng panimdim o pagkalumbay dahil sa isang namatay na minamahal
  • Tulang Pasalaysay
    Naglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay sa anyong patula tulad ng pag-ibig at pagkabigo, tagumpay na mula sa kahirapan. Inilalahad din dito ang katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma
  • Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
    • Awit
    • Korido
    • Epiko
  • Awit
    Hango sa buhay ng dugong mahal at pumapaksa sa pag-ibig, pagtatagisan ng talino o tapang, pananampalataya at pagtulong sa kapwa. Nagtataglay din ito ng kababalaghan at hindi kapani-paniwalang pangyayari. Binubuo ito ng 12 pantig sa bawat taludtod at madalang kapag inaawit
  • Korido
    Magkapareho sila ng pinapaksa ng awit. Binubuo ito ng walong pantig sa bawat taludtod at nagsisimula sa isang panalangin na kung awitin ay mabilis. Galing ito sa salitang "currido' ng Mehiko na nanggaling naman sa Kastila
  • Epiko
    Ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng mga tao noong unang panahon. Kinapapalooban ito ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala at mga kababalaghan
  • Tulang Dula
    Isang tula na isinasagawa ng padula na itinatanghal sa isang entablado o dulaan. Ang usapan dito ng mga tauhan ay sa paraang patula
  • Mga Uri ng Tulang Dula
    • Moro-moro
    • Komedya
    • Panunuluyan
    • Sarsuwela
  • Moro-moro
    Tulang dula na pumapaksa sa paglalaban ng mga Muslim at Kristiyano na laging nagwawakas sa tagumpay ng mga Kristiyano
  • Komedya
    Isang uri ng tulang dula na gumagamit ng nakaugaliang martsa para sa pagpasok at pag-alis ng entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng 2-3 araw upang ipagdiwang ang piyesta ng patron ng baryo. Masasayang diyalogo ang ginagamit dito at nagwawakas nang masaya
  • Panunuluyan
    Isang prusisyong ginaganap kung bisperas ng Pasko. Isinasadula rito ang paghahanap nina Maria at Jose ng bahay na matutuluyan sa nalalapit na pagsilang kay Hesus. Ang mga gumaganap na tauhan ay nagtataglay ng magandang tinig dahil ang usapan dito ay sa paraang paawit
  • Sarsuwela
    Isang dulang musikal o isang melodramang may 3 yugto na ang mga paksa ay tungkol sa pag ibig, paninibugho, paghihiganti, pagkasuklam at iba't-ibang masisidhing damdamin. Naglalarawan din ito ng pang-araw-araw na buhay nating mga Pilipino
  • Tulang Patnigan
    Tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula
  • Mga Uri ng Tulang Patnigan
    • Karagatan
    • Duplo
    • Balagtasan
    • Batutian
  • Karagatan
    Isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat
  • Duplo
    Madulang pagtatalo na karaniwang ginaganap sa isang maluwang na bakuran ng namatayan. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari
  • Balagtasan
    Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito'y sa karangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar
  • Batutian
    Ito ay isang sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa ngunit naglalaman rin ng katotohanan. Karaniwang itinatanghal kung lamayan. Hango ito sa makatang si Jose Corazon de Jesus na kinikilalang Unang Hari ng Balagtasan