3rd Quarter (Aralin 10)

Cards (14)

  • Karapatang Likas o Natural - karapatang mabuhay, ito ay likas at wagas para sa lahat. Mabuhay nang puspos; magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan, at dignidad; at ang paunlarin ang iba't ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental, at espiritwal.
  • Constitutional Rights - karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang proteksiyon ng Konstitusiyon ng bansa.
  • Statutory Rights - karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso o Tagapagbatas.
  • Karapatang Sibil o Panlipunan - karapang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pag-oorganisa, pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng lugar na titirahan, at karapatan laban sa diskriminasyon, at karapatang maging malaya at makapaglakbay.
  • Karapatang Pampolitika - karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa gaya ng pagboto, pagkandidato sa eleksiyon, pagwewelga bilang bahagi ng pagrereklamo sa gobyerno, at pagiging kasapi ng anumang partidong politikal.
  • Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan - karapatan sa pagpili, pagpupursige, at pagsusulong ng kabuhayan, negosyo, hanapbuhay, at disenteng pamumuhay nang ayon sa nais, nakahiligan, at nagustuhang karera.
  • Karapatang Pangkultura - karapatan na makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi, at pag-uugali.
  • Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal - pinangangalagaan nito ang mga taong akusado o nasasakdal sa aumang paglabag sa batas. Karapatan sa pagpapalagay na siya ay walang sala hangga't hindi napatutunayan ang kasalanan at may karapatan laban sa di-makataong parusa.
  • Universal Declaration of Human Rights - nabuo at nilagdaan noong Disyembre 10, 1948.
  • Artikulo II, Seksiyon 13 - Child and Youth Welfare COde upang pangalagaan ang mga karapatan ng bata.
  • Pisikal na Paglabag - pagdukot, kidnapping, pambubugbog, pagputol sa anumang parte ng katawan, panghahalay, pagsasamantala, panghihipo, marital rape, domestic violence, etc.
  • Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag - pag-aaway ng mag-asawa, magkamag-anak, sigawan, pagbibitaw ng masasakit na salita, panlalait, pang-aalipusta, tuksuhan, asaran na maaaring mauwi sa bullying, at cyberbullying.
  • Bantay Bata 163/Women and Child Protection Section - maaaring isumbong dito kapag ang isang bata o babae ay naaabuso.
  • Republic Act No. 9710 - The Magna Carta of Women upang pangalagaan ang karapatan ng kababaihan.