PANITIKAN HAPONES

Cards (31)

  • PANAHON NG HAPONES
  • Gintong Panahon ng panitikang Pilipino (1941-1945) nabilang sa kaniyang tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli tayong sakupin ng isa na namang dayuhang mapaniil - ang mga hapones
  • Isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito ayon sa ilang mga Pilipino
  • Ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
  • Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga Hapones
  • Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento
  • Ang isang manunulat ay likas na manunulat
  • Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa
  • Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P. Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang "pamatnubay"
  • Ang karaniwang paksa ng mga tula noong Panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan o sa pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan buhay lalawigan o nayon, pananampalataya, at sining
  • Haiku
    Tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan ng mga Hapones, binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod (5,7,5)
  • Haiku
    • Tutubi
    • Lahat ng Oras
  • Tanaga
    Tulad ng Haiku, ito'y maikli ngunit may sukat at tugma, ang bawat taludtod ay may pitong pantig at nagtataglay din ng mga matatalinhagang kahulugan
  • Tanaga
    • Palay
    • Pag-ibig
    • Kabibi
    • Tag-init
  • Ang katangian ng karaniwang anyo ay natalakay na sa panimulang pag-aaral ng aklat na ito
  • Karaniwang anyo
    • Pag-ibig
  • Ang mga malalaking sinehan ay ginawa na lamang tanghalan ng mga dula
  • Karamihan sa mga dulang pinapalabas ay salin sa Tagalog mula sa Ingles
  • Ang mga nagsipagsalin ay sina Francisco Rodrigo, Alberto Cacnio, at Narciso Pimental
  • Sila rin ay nagtatag ng isang samahan ng mga mandudulang Pilipino na pinangalanan nilang "Dramatic Philippines"
  • Sa mga dula karaniwan tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino, buhay lungsod o nayon, at karaniwang ugali ng mga Pilipino
  • Maraming pagtatatanghal ang may mga paksang katawa-tawa upang ikubli ang mga kapintasan ng mga hapones tulad ng pangunguha ng ari-arian sa mga Pilipinong nabibilang o nangungurakot
  • Mga nagsisulat ng dula
    • Jose Maria Hernandez
    • Francisco Rodrigo
    • Clodualdo del Mundo
    • Julian Cruz Balmaceda
  • Naging maunlad ang larangan ng maikling kwento noong panahon ng Hapon
  • Ang pinakamahusay na akda ng taong 1945 ay pinili ng lupon na binubuo ni Francisco Icasiano, Jose Esperanza Cruz, Antonio Rosales, Clodualdo del Mundo, at Teodor Santos
  • Ang 25 maikling kwentong pinili ay pinasuri naman kina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda, at Inigo Ed. Regalado
  • Mga nanalo ng gantimpala
    • Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
    • Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo
    • Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni Nestor Vicente Madali Gonzales
  • Sumulat ng Panday Pira - Jose Maria Hernandez
  • Sumulat ng "Sa Pula, Sa Puti" - Franciso Rodrigo
  • Sumulat ng "Bulaga" - Clodualdo del Mundo
  • Sumulat ng "Sino ba Kayo?", "Dahil sa Anak" at "Higanti ng Patay." - Julian Cruz Balmaceda