PANITIKAN PRE FINAL

Cards (28)

  • Maraming kabataan ang mga naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan
  • 1970-1972 (Aktibismo)
  • Marami sa kabataan ang naniniwalang di na "demokratiko" kundi "gobyernong Kapitalista" ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman
  • Patuloy na nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga kakulangan
  • May paniniwalang dapat nang palitan ng "sosyalismo" o "kumunismo" ang bulok na pamahalaan
  • May mga kabataang napabilang sa bagong hukbo ng bayan (New People's Army)
  • May mga naging "Burgis" radikal o rebelde
  • Pagkaka"deklara" ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972
  • Batas Militar
    Pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar dulot ng pangangailangan. Ipinatutupad kapag ang pamahalaang sibilyan ay hindi nakagaganap sa tungkulin gaya ng: pagpapanatili ng kaayusan ng lugar, hindi makontrol ang kaguluhan at protesta, nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas, may giyera at pananakop
  • Minsan pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging pagyuyuko ng ulo at pag-ilag sa hangin ang bumubuo ng kanyang pagkalahi at pagkabansa
  • G. Ponciano Pineda: '"Panitikang Pilipino sa Kaunlaran nang Bansa"'
  • Dugo
    Dugong ibinuo upang ikulay sa pula ang ating bandila
  • Buhay
    Habang panahong hintutrong nakatundos sa mukha ng isang duwag at di magkaroon ng paninindigan para sa sarili at gayun din sa kasunduan na sanlahi
  • Maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay, nagpamalas ng buong giting sa pagtatanggol ng Karapatan ng masang Pilipino, walang takot na suungin ang kamatayan basta maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at tunay na Karapatan
  • 3 salita na isinisigaw ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas tuwing nag-ra-rally
    • Imperyalismo
    • Feudalism
    • Facismo
  • Nagpahayag ng damdaming punong-puno ng paghihimagsik. Maliban sa makinilya ay gumamit din sila ng pinsel at isinulat sa PLAKARD, sa PULANG PINTURA ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pikikibaka
  • Tinalakay nila ang kaabulukan ng lipunan at pulitika
  • Ilang kabataang bumandila sa Panitikang Rebulusyonaryo
    • ROLANDO TINIO
    • ROGELIO MANGAHAS
    • EFREN ABUEG
    • RIO ALMA
  • Mga tulang naisulat ng mga batang makata at mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo
    • Pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan
    • Pagsisiwalat ng katangian at dayukdok ng pagpapasasang mga nanunungkulan
    • Tahasang masasabing labag sa kagandahang-asal ng panunungayaw at karahasan sa pananalita
  • Rio Alma: 'Marahil madahop ang diwa ko upang isaulo't ipaliwanag. Ang panaginip at kamatayan ng sanlaksang anak-pawis'
  • Rio Alma: 'Saksi ako sa palahaw ng mga dalagitang tila kinakatay na babaoy habang ginagahasa ng mga hayok na pulitiko't negosyante'
  • Rio Alma: 'Sa sabuyan ng putik ng mga kongresistang pagkuwan, kapiling ang kani-kanyang alipures at tagapayong Puti ay nag-uunahang ibenta ang bayan'
  • Rio Alma: 'Ano ang silbi ng kabayanihan? Ng limos na laurel at ginto? Ipangalan sa iyo'y isang kalyeng baku-bako o kaya'y luminting monumentong ihian ng mga lasenggo'
  • Nagwagi ng Gantimpalang Planca sa Tula (1970-71) ang mga Duguang Plakard at Iba pang mga Tula (Rogelio Mangahas), Tatlong Awit ng Pagpuksa (Lamberto Antonio), Dalawang Tula (Cirilo F. Bautista)
  • May mga Katipunan din ng mga tula ang naisa aklat nang panahong ito ng aktibismo
    • Mga A! ng Panahon (1970) – Alejandro Perez
    • Kalikasan (1970) – Aniceto Silvestre
    • Peregrinasyon at Iba Pang Tula (1970) – Rio Alma
    • Mga Tula ng Bayan Ko at Iba Pa (1972) – V. G. Suarez
    • Sitsit sa Kuliglig (1972) – Rolando Tinio
    • Mga gintong Kaisipan (1972) – Segundo Esguerra
  • Nang panahon ding ito ng aktibismo, nagsimulang napanood ang mga pelikulang malalaswa na nakasisira sa kaugaliang silanganin – ang tinatawag na mga Pelikulang Bomba
  • Imperyalismo - Pagpapalawak ng lakas o impluwensiya
  • Feudalism - Mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan