Katatagan ng Salapi

Cards (36)

  • Implasyon o Inflation
    • Patuloy na pagtaas ng presyo ng iba't ibang mga produkto at serbisyo.
    • Paghina ng purchasing power parity o purchasing power of the peso.
  • Purchasing Power Parity
    • Tumutukoy sa halaga ng salapi na makabili ng parehas na produkto o serbisyo.
  • Consumer Price Index
    • Sinusuri nito ang pagbabago sa presyo ng mga produkto o serbisyo na nasa basket of goods.
  • Basket of Goods
    • Binubuo ng mga karaniwang produkto o serbisyo na kinokonsumo ng sambahayan.
    • Ang CPI sa partikular na tao ay laging nakatakda sa 100.
  • Dahilan ng implasyon:
    • Demand-Pull Inflation
    • Cost-Push Inflation
    • Structural Inflation
  • Demand-Pull Inflation
    • Sitwasyon kung saan nagkakaroon ng mataas na demand para sa isang partikular na produkto kompara sa suplay nito, dahilan upang ang presyo nito ay tumaas.
  • Cost-Push Inflation
    • Nagaganap naman ang ganitong uri ng implasyon sa tuwing tumataas ang halaga ng produksyon o cost of production sa paglikha ng partikular na produkto o serbisyo.
    • Nagaganap kapag nagkakaroon ng pagtaas ng gastusin sa produksiyon.
    • "domino effect"
    • Sinasabing ang pagkakaroon ng 2-3% na antas ng implasyon sa isang taon ay makabubuti sa kalusugan ng ekonomiya.
  • Pagsukat ng Implasyon
    1. Inflation Rate
    2. Price Index
  • Price Index:
    1. GNP Implicit Price Index
    2. Wholesale or Producer Price Index
    3. Consumer Price Index
    • hyperinflation - tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan nagkakaroon ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produkto o serbisyo.
  • Pormula para sa Total Weighted Price:
    TWP = Quantity x Price
  • Pormula para sa Consumer Price Index:
    CPI = TWP (Kasalukuyang Taon) / TWP (Basehang Taon) x 100
  • Pormula para sa Inflation Rate:
    IR = CPI (Kasalukuyan) - CPI (Nakaraan) / CPI (Nakaraan) x 100
  • Pormula para sa Purchasing Power Parity:
    PPP = 100/CPI
  • Inflation
    • Pagtaas ng presyo ng pangkalahatang produkto.
  • Hyperinflation
    • Patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo ang presyo ng mga bilihin.
  • Boom
    • Mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalan ng trabaho at may maayos na antas ng pamumuhay.
  • Depression
    • Kabaligtaran ng boom.
    • Pinakamababang antas ng ekonomiya kung saan mataas ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng isang taon.
  • Slump
    • Kasabay ng pagbagal ng ekonomiya kasabay ng pagbaba ng presyo.
  • Recession
    • Pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng ilang buwan.
  • Stagflation
    • Paghinto ng ekonomiya kasabay ng implasyon.
  • Reflation
    • Ekonomiyang may bahagyang implasyon.
  • Disimplasyon
    • Proseso ng pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin.
  • Demand-Pull Inflation
    • Nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ng sambahayan.
  • Aggregate Demand ≠ Paglaki ng kabuuang produksiyon
  • Cost-Push Inflation
    • Pagtaas ng mga gastusang pangproduksiyon ang siyang sanhi sa pagtaas sa presyong mga bilihin.
  • Dahilan at Bunga ng Implasyon
    1. Pagtaas ng Suplay
    2. Pagdepende sa Importasyon para sa hilaw na sangkap
    3. Pagtaas ng palitan ng piso
    4. Kalagayan ng pagluluwas (Export)
    5. Monopolyo / Kartel
  • Pagtaas ng Suplay
    • Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo pataas.
  • Pagdepende sa Importasyon para sa hilaw na sangkap
    • Ang mga produktong umaasa sa importasyon para sa hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo.
  • Pagtaas ng Palitan ng piso
    • Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso.
    • Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.  
  • Kalagayan ng Pagluluwas (Export)
    • Kapag kulang ang supply sa lokal na pamilihan dahil ang produkto ay niluwas, magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo ng produkto.
  • Monopolyo / Kartel
    • Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito, kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto, tumataas ang presyo.
  • Nakikinabang sa Implasyon:
    1. Mga umuutang
    2. Mga negosyante / may-ari ng kompanya
    3. Mga speculator at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan
  • Nalulugi: 
    1. Mga taong may tiyak na kita
    2. Ang mga taong nagpapautang
    3. Mga taong nag-iimpok