Araling Panlipunan (4th Quarter)

Cards (40)

  • Ang kabuuang halaga sa merkado ng lahat ng lehitimong produkto a serbisyong ginawa ng bawat mamamayan sa loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon.
    Pambansang Kabuuang Produkto (Gross National Product o GNP)
  • Kabuuang halaga sa merkado ng lahat ng lehitimong produkto at serbisyong ginawa sa loob ng bansa sa loob ng isang taon.
    Kabuuang Domestikong Produkto (Gross Domestic Product o GDP)
  • Ang tawag sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang
    presyo ng mga pangunahing bilihin.
    Implasyon
  • Bumababa naman ang presyo ng bilihin at serbisyo.
    Deplasyon
  • Panahon ng pansamantalang pagbaba paghina ng ekonomiya kung kailan binabawasan ang kalakalan at gawaing industriyal.

    Recession
  • Ang quantitative na batayang pang-ekonomiya ay nagsasaad na ang kaunlaran ay batay sa papataas na GNP at per capita income.
  • Kita ng bawat tao sa isang partikular na lugar sa loob ng isang taon.
    per capita income
  • Batayan naman ay may kaugnayan sa uri ng pamumuhay ng tao na nagsasaad na ang kaunlaran ay hindi lamang nakadepende sa estadistika ngunit sa kabuuang tinatayang kalagayan nito.
    Qualitative
  • Ayon kay Francois Perroux ang kaunlaran ay tumutukoy sa kabuuang proseso ng pagbabago ng isang bansa sa lahat ng aspektong ekonomiya, politikal, kultural, lipunan, at relihiyon. Samakatuwid, ang kaunlaran ay isang kondisyon na bunga ng isang proseso ng pagbabago na may magandang epekto sa bansa.
  • Mga indikasyon ng Kaunlaran
    • Ekonomiya
    • Politikal
    • Kultural
    • Lipunan
    • Relihiyon
    • Edukasyon
    • Kalusugan
  • Ang pagkakaroon ng mataas na GNP at per capita income ay ilan lamang sa indikasyon ng pag-unlad sa e ______. Sinasalamin nito ang kakayahan ng isang bansa na mapaunlad ang produksiyon na nagbibigay hanapbuhay sa tao.
    Aspektong Ekonomiya
  • Nagpapatunay rin ito ng kakayahan ng tao na bumili ng kanilang pangangailangan batay sa kanilang kita. Sa isang banda, hindi naipakikita ng GNP at per capita income ang kontribusyon ng mga nasa impormal na sektor na karaniwang kinabibilangan ng mahihirap sa ating lipunan na ang hanapbuhay ay hindi nakatala sa anumang ahensiya ng pamahalaan.
    Aspektong Ekonomiya
  • Masasabing maunlad ang isang bansa sa _____ na aspekto, kung ang mga tao ay may kalayaan sa pagpapahayag, may tinatamasang soberanya sa teritoryo, walang korupsiyon, at higit s lahat ay may mababang antas ng kriminalidad.
    Aspektong Politikal
  • Hindi lamang sa salapi nasusukat ang yaman ng isang bansa, ito ay masusukat din sa talento at kakayahan ng mga tao na siya namang nasasalamin sa kanilang mayamang kultura at tradisyon.
    Aspektong Kultural at Tradisyon
  • Isa sa mga manipestasyon ng kaunlaran sa lipunan ay ang tamang pamamahagi ng yaman ng bansa batay sa tinatawag na equitable distribution kung saan makukuha ng isang tao ang higit na maraming bahagi sa produksiyon. Isa itong paraan upang matamo ang hustisyang panlipunan.
    Aspektong Lipunan
  • Ang kaunlaran sa aspektong ______ ay makakamtan kung may paggalang sa kani-kaniyang paniniwala ang bawat mamamayan na hindi lumalabag sa karapatang pantao.
    Aspektong Relihiyon
  • Ang kakayahan ng mga Pilipinong magbasa at magsulat ang nagpapaangat ng literasiya ng bansa. Ang pagpasa sa K to 12 kurikulum bilang isang batas ay nagdulot ng alignment o direktang relasyon sa pagitan ng edukasyon at trabaho na maaaring pasukan upang masolusyonan ang job mismatch at nang sa ganon ay bumaba ang unemployment rate.
    Aspektong Edukasyon
  • Kayamanan ng isang bansa ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran kung saan ligtas ang mga tao sa banta ng sakit at epidemya. Isa sa mga indikasyon nito ang mababang mortality rate.
    Aspektong Kalusugan
  • Bilang ng namamatay sa isang populasyon kada 1,000 kataong nabubuhay sa loob ng isang taon.
    mortality rate
  • Sektor ng Ekonomiya
    • Agrikultura
    • Industriya
    • Paglilingkod
  • Sub-sektor ng Industriya
    • Konstruksiyon
    • Pagmamanupaktura
    • Pagmimina
    • Utilidad
  • paglikha ng pagkain at mga hilaw na materyales
    primarya o agrikultura
  • pagpoproseso sa mga hilaw na materyales, konstruksyon, pagmimina, at paggawa ng mga kalakal. 
    sekondarya o industriya
  • maalalay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng kalakal sa loob o labas ng bansa.
    tersarya o paglilingkod
  • Saklaw ng sektor ng _____ang anumang yaman na dulot ng kalikasan. Ito ang tinatawag na primaryang sektor. Dito nagmumula ang mga hilaw na materyales na gamit sa produksiyon.
    agrikultura
  • Ang sektor ng ______ ay tinatawag ding sekundaryang sektor. Mahalaga ang industriyalisasyon dahil sa ito ay nagpapasigla ng ekonomiya ng isang bansa. Patunay nito ang maraming produkto at serbisyong nagmumula rito. 

    industriya
  • Tumutukoy sa pagbuo ng gusali, bahay, at mga impraestruktura tulad ng daan at tulay na maaaring magamit ng tao.
    Konstruksiyon
  • Tumutukoy sa paggawa o pagproseso ng hilaw na materyales upang maging isang ganap na produkto.
    Pagmamanupaktura
  • Tumutukoy sa proseso ng - pangangalap ng mamahalin at mahahalagang metal at mineral mula sa likas na kalupaan ng bansa.
    Pagmimina
  • Binubuo ng mga serbisyong mahalaga para sa publiko pati na sa agrikultura o industriya. Ito ay binubuo ng transportasyon, panggatong (fuel), pati ang gas, tubig, at kuryente na ipinagkakaloob ng isang pampublikong serbisyo o utility.
    Utilidad
  • Sa sektor na ito nagmumula ang mga serbisyong may kinalaman sa pag-iimbak o paghahatid ng produkto, pagbibigay ng impormasyon o payo upang mapadali at mapagbuti pa ang produksiyon, at higit sa lahat makabawas sa gastos ng produksiyon upang mapataas ang kita ng negosyo. Sa kasalukuyan, ang mga negosyante sa sektor na ito ay nakatuon sa pagpapalawak ng kanilang kasanayan upang mapabilang sa larangan ng kinikilalang "knowledge economy"
    Paglilingkod
  • Ang _______ ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
    pag-unlad
  • Ang ______ ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan,kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay at pananamantala.
    pag-unlad
  • Aklat ni Feliciano R. Fajardo
    Economic Development 1994
  • Ang pag-unlad ay isang?
    progresibo at aktibong proseso
  • Ang _____ ay bunga ng pag-unlad
    pagsulong
  • Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng Kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
    HDI
  • Ito ay mga bansang may mataas na Gross Domestic Product
    (GDP)income per capita at mataas na HDI.
    Maunlad na Bansa Developed Economies
  • Ito ay mga bansang may mga industriyang kasalukuyang pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ngindustriyalisasyon.
    Umuunlad na Bansa o Developing Economies
  • Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba ay kulang sa industriyalisasyon, mababang antas ng agrikultura at mababang GDP, income per capita at HDI.
    Papaunlad na Bansa o Under Developed Economies