PAGBASA

Cards (47)

  • Tekstong Persuweysib
    Teksto na may layunin na manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto
  • Tekstong Persuweysib ay isinusulat upang mabago ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at makumbinsi ito sa punto ng manunulat at hindi sa iba, siya ang tama
  • Tekstong Persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig
  • Ethos
    Tumutukoy sa kredebilidad ng manunulat, hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika ngunit higit na angkop ngayon sa salitang Imahe
  • Pathos
    Gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa
  • Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala isang epektibong paraan upang mangumbinsi
  • Logos
    Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa
  • Name Calling - Pagbibigayng hindimagandangtagurisaisangproduktoo katunggaliupanghinditangkilikin.
  • Ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.-
    GLITTERING GENERALITIES
  • Transfer - Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
  • Testimonial - Kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nagendorso ng isang tao o produkto.
  • Plain Folks - Mga kilala o tanyag na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa produkto o serbisyo.
  • Card Stacking - Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
  • Bandwagon - Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na.
  • sa pag aaral ng ginawa ni Duke (2000), ang dahilan kung bakit
    hindi gaanong nakapagbasa ng tekstong impormatibo ang mga mag
    aaral ay limitado lamang ang ganitong uri ng mga babasahin sa
    kanilang kapaligiran .
  • Sa isang pag aaral , napatunayan ni Mohr (2006), na kung
    mabibigyan ng pagkakataong makapili ng aklat ang mga mag aaral
    sa unang baitang , mas pipiliin nila ang aklat na di piksyon
    kaysa piksyon
  • Tekstong Impormatibo - isang uri ng babasahing di piksyon
  • Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan -
    Inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa
    isang panahon o pagkakataon
  • Paguulat Pang impormasyon - Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
    patungkol sa mga may buhay at walang buhay sa
    daigdig . Saklaw nito ang mga paksa gaya ng
    teknolohiya , global warming, cyberbullying, mga
    hayop na malapit ng maubos , impormasyong kaugnay ng
    mga halaman at iba pa.
  • Pagpapaliwanag - Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
    naganap ang isang bagay o pangyayari .
  •   Obhetibo  - Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri.
  •    Sistematiko -      Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
  • Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyang -      Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
  • Empirikal -  Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o na-obserbahan ng mananaliksik.
  • Kritikal - Maaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik
  • Masinop, malinis at tumutugon sa pamantayan -   Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuuan.
  • Dokumentado - Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
  • Maggalugad - Pagnanais na makapulot ng kaalaman o matuto mula sa isang penomeno o pangyayari, bahagi ng isang penomeno o pangyayari, kung saan wala pa o kaunti pa lamang ang ang nalalaman tungkol dito.
  • Maglarawan - Pagnanais na sistematiko at obhetibong mailarawan ang isang pangyayari o penomeno o mga katangian ng isang pangyayari o penomeno na maidokumento ang mga paglalarawang ito.
  • Magpaliwanag - Pagnanais na magpakita ng mga dahilan kung paano at bakit nagaganap ang isang pangyayari o penomeno. Ang pagpapaliwanag ay mahalaga lalo na kung may binubuo o may pinag-aaralang teorya ang isang mananaliksik na nais niyang kumpirmahin, suportahan o pabulaanan.
  • Gumawa ng Ebalwasyon - Pagnanais na malaman ang pagiging epektibo ng isang produkto, programa proseso, o polisiyang kasalukuyang umiiral. Maaring sabihing may layon din itong magpaliwanag subalit bukod pa rito, intensiyong nitong alamin ang mga nagagawa at di nagagawa ng produkto, programa, proseso o polisiyang pinag-aaralan ayon sa inaasahan, at magbigay ng rekomendasyon para sa ikauunlad nito.
  • Sumubok ng Hypothesis - Pagnanais na malaman ang relasyon ng mga pinag-aralang variable sa isa’t isa sa pamamagitan ng makaagham na proseso at paggamit ng estadistika.
  • Gumawa ng Prediction - Pagnanais na malaman kung ano ang maaring sumunod na maganap sa isang pangyayari o penomeno sa isang maka-agham na paraan at gamit ang estadistika batay sa mga nakalap na datos o mga naunang pagsasaliksik.
  • Makaimpluwensiya - Pagnanais na gamitin ang isinasagawang pananaliksik upang makamit o maganap ang isang ninanasang pangyayari.
  • Tekstong Prosidyural - Isang uri ng teksto na naglalahad ng impormasyon o instruksyon kung paano isinagawa ang isang tiyak na bagay
  • Tekstong Argumentatibo - Tekstong naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan at lohika
  • Tekstong Deskriptibo - Tesktong may layunin na maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, o sitwasyon.
  • Cohesive Device - Mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit - ulit ang mga salita.
  • Reperensiya - Pag gamit ng salitang maaring tumukoy o maging reperensiya ng mga paksang pinaguusapan sa pangungusap.
  • Anapora - Kung kailangan bumalik sa tektso upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy.