Pagpag

Cards (54)

  • Rasyunal
    Maikling pagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang paksain ng pananaliksik at maaaring magkaroon ng kahalagahan sa naisagawa nang pananaliksik
  • Kaligiran ng Pag-aaral
    Bahagi na tumutugon sa tanong. Ano ang ginagawa ng ibang mananaliksik hinggil sa Paksa? Kailangang maglaman ng mga impormasyon ukol sa paksang pinag-aaralan
  • Paglalahad ng Suliranin
    Binabanggit ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaaring maging anyong patanong o simpleng paglalahad ng layunin. Inuuna ang pangkalahatang layunin
  • Paglalahad ng Suliranin
    Naka-angkla sa pamagat ang pangunahing suliranin na susundan ng tatlo o higit pang tiyak na layunin (patanong)
  • Layunin
    Tumutukoy sa tunguhin ng pananaliksik. Ano ang layunin ng pananaliksik? Ano ang inaasahang matutuhan sa pagsasagawa ng pananaliksik?
  • Layunin
    • May kaugnayan sa pananaliksik
    • May pokus
    • May linaw
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    Tinitiyak ng bahaging ito ang makikinabang nang higit sa pananaliksik. Tumutukoy ito sa kontribusyon ng pananaliksik. Tumutukoy sa ibinunga ng pananaliksik na mag-aambag o magpapaunlad ng karunungan
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    • Sa mga Mag-aaral
    • Sa mga Guro
    • Sa Paaralan
    • Sa Komunidad
    • Sa mga susunod pang Mananaliksik
  • Saklaw at Limitasyon
    Tinatalakay ang maaaring saklawin ng pag-aaral, mahalagang maipakita ang malinaw na saklaw ng pananaliksik
  • Katuturan ng mga Salitang Ginamit
    Binibigyang ng tiyak na pagpapakahulugan ang mga salitang may malalim at malawak na konteksto
  • Teoretikal na Balangkas
    Ilalantad ang teoryang pinagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya ring ito iaangkla ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik
  • Balangkas Konseptwal
    Nagpapakita kung ano ang nais na patunayan o panubalian ng ginagawang pag-aaral. Ang ugnayan sa pagitan ng 'malayang baryabol at di-malayang baryabol ay malinaw na naipapakita sa pamamagitan ng balangkas konseptwal
  • Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    Isang pormal na pangangalap ng propesyunal na literatura na may kaugnayan sa isang partikular na suliranin ng pananaliksik. Sa pamamaraang ito matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang mananaliksik na may kaugnayan sa inyong paksa
  • Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    • Ito ay mahalaga sa pagdedetermina ng pangkalahatang kredibilidad ng pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng mga nakaraang mga pananaliksik at mga literatura na nagbibigay gabay sa pangunahing tunguhin ng isinasagawang pananaliksik
  • Ang mga kaugnay na literatura ay hindi lamang tumutukoy sa mga nakaraang pag-aaral na isinagawa, gayundin ay nagdaragdag ito ng makabangong impormasyon
  • Disenyo ng pananaliksik
    Pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan
  • Disenyo ng pananaliksik
    Detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang imbestigasyon
  • Disenyo ng pananaliksik
    • Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik
  • Kuwantitatibo
    Mula sa salitang quantity/kwantiti, tumutukoy sa kalkulasyon ng bilang o sa bigat ng kasagutan ng mga respondent ng pag-aaral
  • Kuwantitatibo
    • Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa
    • Gumagamit ng matematikal, estadistikal
  • Paano nililikom ang datos?(Kuwantitatibo)

    1. Sarbey
    2. Paggamit ng estadistika
    3. Census
  • Kuwalitatibo
    Mula sa salitang quality/kwaliti, layunin nito na ipaliwanag at bigyan ng inisyal na pagkakaunawa ang mga sirkumstansya sa datos na kinalap.
  • Kuwalitatibo
    Layunin ay malalimang unawain ang pag- uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Obserbasyon, pakikipanayam at pagsusuri sa nilalaman
  • Paano nililikom ang datos?(Kuwalitatibo)

    • Panayam
    • Questionaire

    • Obserbasyon

    • FGD
  • DESKRIPTΙΒΟ
    Pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. • Tumutugon sa tanong na sino, ano, kailan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
  • DESKRIPTΙΒΟ
    Naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa isang bagay o paksa. • Kadalasang naglalayon na makahingi ng opinion o mga bagay na relatibo o nagpapabago sa ibat ibang tao, pagkakataon at panahon
  • Disenyong Action Research
    Inilalarawan ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamar aan.
  • HISTORIKAL
    Gumagamit ng iba't ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
  • Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study) 

    Unawain ang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba't ibang paksa ng pag-aaral.
  • (Case Study)
    Maaaring maging pokus ang mga komunidad, institusyon at organisasyon.
  • Komparatibong Pananaliksik
    Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari at iba pa na kasangkot sa pag-aaral.
  • Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan-Normative Study
    Layunin nito na maglarawan ng anumang paksa. Ang pag-aaral o paksa ay nakabatay sa kinasasandigan nitong pamantayan.
  • Etnograpikong Pag-aaral
    Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagkolekta at pag-aanalisa ng mga datos tungkol sa pangkat etniko o IP's.
  • Aquino (1974)

    Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • Manuel at Medel (1976)

    Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang Isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.
  • Goort (1963)

    Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't-ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon
  • E. Trece at J.W Trece (1973)

    Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
  • Calderon at Gonzales (1993)

    ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.
  • Layunin (Bakit importante ang Pananaliksik?)
    1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina.
    2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon
    3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento 0 produkto.
    4. Tumuklas at maunawaan ang mga bagay na hindi pa nakikilala
    5. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
    6. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
    7. Mapalawak o ma- verify ang mga umiiral na kaalaman.
  • LAYUNINNG PANANALIKSIK 

    MAKAPAGPATOTOO o makapangatuwiran sa tulong ng mga mapananaligang materyales o dokumento tungkol sa paksang nangangailangan ng paglilinaw.