LAKBAY SANAYSAY M6

Cards (13)

  • Lakbay-Sanaysay o Travelogue
    Ang Lakbay-Sanaysay ay kilala rin bilang travel essay o travelogue
  • Layunin ng Lakbay-Sanaysay
    Maitala ang mga karanasan sa paglalakbay
  • Sanaylakbay
    Binubuo ito ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay
  • Ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin para sa mga karanasan sa paglalakbay
  • Pangunahing dahilan ng pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay
    • Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat, halimbawa, ang travel blog
    • Layunin ding makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
    • Pagsulat ng sariling kasaysayan sa paglalakbay, tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili
    • Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan
  • Nilalaman ng Lakbay-Sanaysay
    Mga tala ng karanasan ng awtor sa paglalakbay
  • Layunin ng Lakbay-Sanaysay
    Isang paraan ng manunulat para maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay
  • Magkaroon ng Kaisipang Manlalakbay

    1. Maglaan ng oras ang naglalakbay upang unawain ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taong binibisita
    2. Ang layunin ng manlalakbay ay hindi lamang maglibang kundi maunawaan ang ibang aspeto ng lipunan
  • Pagsulat sa Unang Panauhang Punto de-Bista
    Ang mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ay nangangailangan ng sapat na kaalaman at pagkatuto ukol sa paglalakbay
  • Tukuyin ang Pokus ng Susulating Lakbay-Sanaysay
    Mahalaga ang pagsasaalang-alang sa human interest at pagtukoy ng tiyak na paksa upang matukoy ang sakop ng lakbay-sanaysay
  • Magtala at Kumuha ng Detalye at Larawan
    1. Ang mahalagang gamit para sa isang manlalakbay-susulat ay ang panulat, kuwaderno, at kamera
    2. Ang tamang dokumentasyon ay kritikal, ngunit dapat iwasan ang sobrang detalye
  • Ilahad ang mga Realisasyon
    1. Bukod sa paglalahad ng karanasan, mahalaga rin ilahad ang mga natutunan sa paglalakbay
    2. Ang mga natutuhan ay magiging sentro ng lakbay-sanaysay at magbibigay ng gintong aral sa mga mambabasa
  • Gamitin ang Kasanayan sa Pagsulat
    • Ang may-akda ay dapat may sapat na kasanayan sa pagsulat
    • Ang pagsulat ay dapat malinaw, maayos, lohikal, at malaman
    • Maaaring gamitin ang mga tayutay, idyoma, at matalinghagang salita para sa masining na pagkakasulat
    • Ang pagsulat ay dapat obhetibo, naglalaman ng positibo at negatibong karanasan, at kundisyon ng lugar na binisita