AP

Cards (59)

  • Edukasyon
    Isang mahalagang aspeto upang mapataas at mapataas ang kalidad ng ating pamumuhay
  • Kung may sapat na edukasyon
    Malilinang ang mga iba't ibang kakayahan at kasanayan na kinakailangan natin upang magkaroon ng magandang trabaho
  • Kung mayroong magandang trabaho ang mga mamamayan ng bansa

    Sila ay magkakaroon ng kita na magagamit nila upang tugunan ang kanilang iba't-ibang mga pangangailangan sa araw-araw
  • Kung wala nito ang mga mamamayan
    Mahihirapan umunlad ang bansa
  • Kung may edukasyon na magtuturo ng mga tungkulin at karapatan ng mga mamamayan at mga batas na umiiral sa bansa
    Madali rin mapapanatili ang kaayusang panlipunan sa bansa
  • Kung walang nito ang mga mamamayan
    Maaring lumaganap ang kriminalidad sa ating bansa na isa rin sa hadlang sa pag-unlad ng bansa
  • Ang patakaran ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong pang-edukasyon para sa mga mamamayan ay malinaw na nakasaad sa saligang batas 1987 ng Republika ng Pilipinas
  • Tungkulin ng estado ayon sa Artikulo 14 seksiyon 1
    • Pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas
    • Magsagawa ng angkop na hakbang upang matamo ng lahat ang ganitong edukasyon
  • Tungkulin ng estado ayon sa seksiyon 2
    • Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat, at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng samabayanan at Lipunan
    • Magtatag, magpanatili ng isang sistema ng libreng pambayang edukasyon sa elememytarya at mataas na paaralan
  • Ayon sa seksiyon 3, dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon
  • Dapat nilang ikintal

    • Pagkamakabayan at nasyonalismo
    • Pag-ibig sa sangkatauhan
    • Paggalang sa mga karapatang pantao
    • Pagpapahalaga sa mga gampanin ng mga pambansang bayani sa historical na pag-unlad ng bansa
    • Mga katrapatan at mga tungkulin ng pagkamamamayan
    • Mga pagpapahalagang etikal, at espiritwal
    • Karakter na moral at disiplinang pansarili
    • Kaisipang mapanuri at malikhain
    • Kaalaman pang agham at teknolohikal
    • Kahusayang bokasyunal
  • Ang ehekutibong sangay ng pamahalaan ang nangangalaga at namamahala ng sistemang pang edukasyon
  • Mga ahensiya ng DEPED
    • Bureau of Elementary Education
    • Bureau of Secondary Education
    • Bureau of Alternative Learning Systems
    • National Education Testing Center
    • Health and Nutrition Center
    • Educational Development Projects
    • National Educators Academy of the Philippines
    • Technical-Vocational Education Task Force
    • Early Childhood Care and Development Council
    • National Book Development Board
    • National Council for Children's Television
    • National Museum
    • Philippine High School for the Arts
  • Ang CHED ang namamahala sa mga kolehiyo at unibersidad ng bansa at lumilinang sa mga kakayahan at kasanayang pambokasyunal ng mga mamamayan upang magamit nila sa hanap buhay
  • Ang TESDA ay Technical Education Skills and Development Authority
  • Ang Education for All Education Plan ay kinikilala ang karapatan ng bawat bata at matatanda na magkaroon ng sapat na edukasyon upang matugunan ang kanilang basic learning needs kabilang na ang kabuuang paglinang sa kanilang personalidad
  • Sentral na layunin ng Philippine Education for all 2015
    • Maging functionally literate ang mga filipino
    • Magkaroon ng mga kakayahan at kasanayan upang mamuhay at maghanapbuhay
    • Linangin ang kanilang mga potensiyal
    • Bumuo ng kritikal na pagpapasiya
    • Makibahagi nang epektibo sa Lipunan
  • Mula taong 1945 hanggang taong 2011, 10 taon lamang ang basic education na ipinatutupad ng mga mabababa at matataas na paaralan sa Republika ng Pilipinas
  • Sa pagpasok ng taong pampanuruan 2012-2013 tuluyan nang pinalitan ang basic education curriculum ng bansa patungo sa Kinder to Grade 12 Program o mas kilala bilang K-12 Curriculum Program
  • Mga katangian ng K-12 curriculum program
    • Seamless - continuous ang mga subjects at lessons from kinder to grade 12 and to technical vocational and higher education
    • Enhanced and streamlined - enhanced ang mga subjects' para maayos ang daloy ng kaalaman at kasanayan ng mga magaaral na base sa kaslukuyang kurikulum at mas mabigyan ng pagkakataong mahasa sa isipan ng mga magaaral ang mga kinakailangan nag kaalaman at kasanayan
    • Strengthened - mas pinalakas ang mga core or general subjects tulad ng mathematics, science, and languages
    • Livelihood Readiness - ang mga major o specialization ng magaaral na nasa senior high school ay ibinibigay sa pamamagitan ng ibat ibang tracks tulad ng academic, technical vocational, sports, arts and design
  • Ang K-12 kurikulum program ay pinagtibay sa ilalim ng Batas Republika Blg 10533 o ang enhanced basic education act of 2013 na naisabatas sa ilalim ng Administrasyon ni Dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III
  • Mga suliranin sa kalidad ng edukasyon
    • Mababang Kalidad ng Edukasyon sa Bansa
    • Kakulangan sa tamang bilang ng mga Guro
    • Mababang Sahod ng mga Guro
    • Mababang Kakayahan na Mabayaran
    • Maliit na Badget para sa Edukasyon
    • Kakulangan sa Pagkakataong Mag-aral
    • Kakulangan sa mga Paaralan
    • Kakulangan ng mga Aklat at Kagamitan
    • Sobrang dami ng Mag-aaral sa bawat Guro
    • Paghinto sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral
  • Mga programa para mapataas ang kalidad ng edukasyon
    • Pagpapatupad ng Voucher Program
    • Special Program for the Employment of Students
    • Abot-Alam Program
    • Alternative Learning System
    • Livelihood Program
  • Mga paraan para makatulong sa edukasyon
    • Dagdagan ang Impraestruktura, Kagamitan, Ari-arian atbp.
    • Suporta sa Pag-aaral (Learning Support)
    • Tulong para sa Kalusugan at Nutrisyon
    • Reading Program
    • Suporta sa Teknolohiya (Technological Support)
    • Direktang Tulong (Direct Assisstance)
    • Pagbibigay ng Pagsasanay
  • Gawaing Pansibiko
    Mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko
  • Mga halimbawa ng gawaing pansibiko
    • Fire Drill
    • Earthquake Drill
    • Pagboto
    • Clean-up Drive
    • Seminars
    • Trainings
  • Mga katangian ng aktibong mamamayan
    • Makabayan - pagiging makabayan, pagmamahal, debosyon at malalim ng ugnayan sa kanyang bayang sinilangan at sa mga kaugalian at kultura ng bayan na iyon
  • Tungkulin natin na makilahok sa mga gawaing pansibiko upang matugunan ang pangangailangan ng ating bansa at pamayanang ginagalawan
  • Mas mapadadali rin ang paglutas at pagbibigay solusyon sa mga suliranin at isyu ng ating bansa kung tayong mga mamamayan ay may pagtutulungan at pagkakaisa
  • Kinakailangan rin buong katapatan at kusang loob ang pakikilahok natin sa mga gawaing pansibiko
  • Halimbawa ng gawaing pansibiko
    • Fire Drill
    • Earthquake Drill
    • Pagboto
    • Clean-up Drive
    • Seminars
    • Trainings
  • Makabayan
    Pagiging makabayan ay tumutukoy sa damdamin na nahahayag ng pagmamahal, debosyon at malalim ng ugnayan sa kanyang bayang sinilangan at sa mga kaugalian at kultura ng bayan na iyon
  • Makatao
    Paggalang natin sa mga karapatan, kapakanan at dignidad ng bawat isa
  • Produktibo
    Nagtatrabaho ng maayos at nasa tamang paraan
  • Matatag, may malakas ng loob, at tiwala sa sarili
    Kinakailangan upang may kakayahan silang harapin at pagtagumpayan ang anumang hamon ng buhay
  • Matulungin sa kapwa
    Kinakailangan ang pagtutulangan ng bawat isa upang tayo ay makapamuhay ng marangal, payapa, at masagana
  • Makasandaigdigan
    Aktibong mamamayan na mamamayan ng kanyang bansa gayon din ng mundo
  • Mga gawaing pansibiko
    • Pagtatatag o pakikilahok sa mga organisadong pagkilos at organisadong nagsusulong ng kagalingan at pagunlad ng komunidad at bansa
    • Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin
    • Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino
    • Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon
    • Pangngangalaga sa ating mga minanang yaman at mga pampublikong pasilidad
    • Pangangalaga ng ating kapaligiran at paglinang ng mga likas na yaman
    • Pagpapaunlad at pagsuporta sa mga produkto ng bansa
    • Pagtangkilik at pag-angkat ng produktong pilipino
  • Epekto ng pakikilahok sa gawaing pansibiko
    • Sa kabuhayan - Mas napagbubuklod ang mga tao kung sila ay nagtutulungan at nakikilahok sa mga gawaing pansibiko
    • Sa Lipunan - Kung ang bawat mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko sila ay may disiplina at sumusunod sa mga batas ng bansa
    • Sa Politika - Kung tayo ay makikilahok ng maayos sa mga gawaing pansibiko tulad ng pagboto, maiaayos natin ang poliika sa ating bansa
  • Paraan ng pakikilahok na pampolitika
    • Pamamahayag - Kalayaan ng mga taumbayan sa pananalita, pagtitipon, at pagpetisyon sa pamahalaan
    • Pagboto - Isa sa mahalagang tungkulin ng mga mamamayan upang makilahok sa paghahalal ng mga pinuno ng pamahalaan