Napakayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapitan Heneral
Makapangyarihan kaya iginagalang at pinangingilagan ng mga INDIO at maging ng mga PRAYLE
Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasaik ng rebolusyon kahit siya'y inuusig ng kaniyang bugdhi sa kanyang ginagawa
Kapitan-Heneral
Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan
Nais magpakita ng kasipagan, kaya gingawa niya habang naglilibang at pagmamadali
Pinunong pabigla-biglang humahatol; alintana ang kapakanan ng kanyang Pinaumunuan
Salungat sa pasiya ng Mataas na kawani
Mataas na Kawani
Isang kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin; may mabutiing kalooban para sa kapakanan ng mga makbagong mag-aaral na nagsusulong ng patuturo ng wikang Kastila
Sumasalungat pag hindi pinag-isipan ng mabuti ang panukalan ng mga Opisyal
Padre Florentino
Kagalang-galang na paring Pilipino; pinilit ng inang mag lingkod sa Diyos
Kumupkop sa pamangkin niyang si Isagani nang maulila
Padre Bernardo Salvi
Mapag-isip na paring pransiskano na iginagalang din ng kasamahan niyang prayle
Umibig kay Maria Clara; kompesor ng dalaga
Padre Hernando Sibyla
Matalinong paring Dominikano; Vice-rector ng UST
Salungat sa pagpasa ng panukalang makapag-aral ng wikang Kastila
Padre Irene
Paring kanonigo- di iginagalang ni Padre Camorra
Nilapitan ng mga mag-aaral upang maipasa ang panukalang makapagturo ng Wikang kastila
Tagaganap na huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago
Padre Fernandez
Paring Dominikano na bukas ang isip sa pagbabago sa edukasyon
Sang-ayon sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng Wikang kastila
Hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan
Padre Camorra
Kura ng Tiani; Batang paring Pransiskano katungayaw si Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan. Walang galang sa kababaihan
Padre Millon
Paring Dominikano, propesor sa Pisika at Kemika; Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon. Bantog makipagtalo ngunit hindi makapagturo ng mahusay
Telesforo Juan de Dios
Magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain; Piniling maging kabesa dahil sa kasipagan at mabuting tao
Umunlad dahil mahusay ginamit ang kaniyang kinitang pera
Juliana o juli
Pinakamagandang dalaga sa Tiani; Anak ni Kabesang Tales
Mapagmahal sa pamilya; marunong maghintay sa katipang si Basilio
Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte
Tata Selo
Tatay ni Kabesang Tales; Mapagmahal na lolo ni Juli at Tano
Kumalinga kay Basilio sa gubat nang siya't tumakas sa guwardia sibil sa NMT
Tiniis ang matinding kasawian ng mga mahal niya sa buhay
Tano/Carolino
Anak ni Kabesang Tales na sumunod sa kagustuhan ng amang magsundalo
Nawala nang matagal at nagbalik, siyang naging dahilan ng kasawian ng mahal
Basilio
Nalamapasan ang hilahil sa buhay; nagpaalipin kay Kapitan Tiago
Nag punyagi sa pag-aaral; Nilunok ang pangmamaliit dahil sa kalagayan nito
Nakapanggamot kahit hindi pa natnggap ang diploma
Isagani
Pamangkin ni Padre Florentino; malalim na makata/ manunugma
Mahusay makipagtalo; matapang sa pagpapahayag ng pinaniniwalaan kaninuman
Ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain
Makaraig
Nangunguna sa pagbabago; abogasya na nagunguna sa panawagang pagbukas sa pagturo ng Kastila
Napakayaman at bukas-palad sa kapwa; masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, palabasa ng iba't ibang aklat
Placido Penitente
Parang bulkang sumabog pag siya'y napuno at walang kinatatakutan
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit lubhang kinaiinisan niya ito
Pecson
Mapanuring mag-aaral; masigasig makipagtalo upang mailabas ang matalinong isipan
Hindi agad-agad naniniwala sa bali-balita lamang kaya lumalabas na siya'y mapangam-bahin at laging nag-aalala
Juanito Pelaez
Mayamang mag-aaral na tamad lakwatsero; manliligaw ni Paulita Gomez
Inaabuso at tintakot si Placido
May kapansang pisikal pero hindi ito ipnakitang sagabal dahil nakamit niya ang mga nais
Sandoval
Tunay na Espanyol; nais mailabas ang katotohanan sa usapin
Mahilig makipag debate ng kahit na anong paksa upang siya ay mahangaan
Tadeo
Mag-aaral na lubahng tamad atnagsasakit-sakitan; Hangad niyang walang pasok lagi
Nagdudunong-dunungan siya at nagyayabang sa walang-muwang na nilalalng
May kahambugan, walang ambisyon sa buhay, at malaswang magsalita
Paulita Gomez
Pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani
Npakagandang dalaga na hinahangaan ng karamihan; laging maayos at maalaga sa sarili
Donya Victorina de Espadana
Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi
Inaalimura, tinutuligsa , at itinatakwil ang mga Indiong kalipi
Don Tiburcio de Espadana
Asawa ni Donya Victorina; hindi na muling nagpakita sa asawa dahil sa kapritso nito
Lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
Dating kaibigan ng mga prayle; kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni buhay ni Basilio
Nawalan ng kahulugan ang bahay nang pumasok sa monasteryo si M. C.; Nawala siya sa katinuan
Maria Clara delos Santos
Tanging babaeng inibig ni Simoun; dahilan ng pagbalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun; Nais siyang kunin at itakas ni Simoun sa monasteryo
Kapitan Basilio
Ama ni Sinang at asawa ni Kapitan Tika; mayamang mamamayan na Taga- San D
Galante sa mga pinuno at kawani upang maiwasan ang problema
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
Nakapag-asawa ng mganda at mayamng Mestiza
Kaibigan ni Ben Zayb; alam niya ang tungkulin subalit kakatwa ang kanyang mga panukala at pasiya
Umangat ang kaniyang posisyon at naging Kappitan-Heneral dahil sa talino
Ben Zayb
Mamahayag na malaya mag-isip; Minsan kakatwa ang paksang nais magkaroon lang ng ilalathala
Mababa ang pagtingin kay Padre Camorra
Siya ang utak sa lumalabas na mabubuting balita tungkol sa matataas na opisyal upang mapalapit sa mga ito
Ginoong Pasta
Dating kaklase ni Padre Florentino; mapanuri at namimili ng kausap
Naging alila ng mga prayle abgo naging pinakatanyag na abogadong Pilipino
Takot mamagitan para sa kaunlaran ng mag-aaral
Pepay
Kaakit-akit na mananayaw; maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipino
Mahilig humingi ng mga pabor sa kaibigang si Don Custodio at Juanito Pelaez
Hermana Bali
Batikang pnggingera; nanguna sa pagbibigay-payo sa kanilang baryo
Nagpayo kay Juli na magpaalipin at tnungkol sa pagkakulong ni Basilio
Hermana Penchang
Masimbahing manang; naging panginoon ni Juli
Mapanghusga sa mga taong sawimpalad; Takot sa mga prayle
Kapitana Tika
Asawa ni Kapitan basilio at ina ni Sinang
Ayaw magpahalata nanagugustuhan ng mag-ina ang mga alahas upang hindi taasan ang presyo ni Simoun
Sinang
Matalik na Kaibigan ni Maria Clara sa N.M.T; anak ni kapitan basilio at Kapitan Tika
Nakapag-asawa sa nobelang ito; mabiro at masiyahin
Mahilig sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas
Kabesang Andang
Ina ni Placido Penintente; ulirang magulang dahil tinutugunan ang mga pangangailangan ng anak
Naghigpit ng sinutron sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak
Quiroga
Mayamng intsik na mangangalakal; kontrolado ang takbo ng kalakalan
Inaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap
Isinusulong ang pagkakaroon ng konsulado ng mga intsik sa bansa
Don Timoteo Pelaez
Ama ni Juanito Pelaez; mapandustang mangangalakal
Nakabili ng tahanan ni kapitan Tiago sa murang halaga; naging kasosyo sa negosyo ni Simoun
Mr. Leeds
Mahusay na mahika; napaniwala ang mga manonood
Nagamit upang mausig ang budhi ni Padre Salvi sa kanyang palabas