Characters

Cards (19)

  • Simoun
    Tinawag ding Kardinal Moreno, Eminencia Negra. Mayamang mag-aalahas na taga-payo ng Kapitan Heneral. Pinangingilagan ng marami dahil sa kapangyarihan at kayamanang taglay. Ginamit ang kayamanan upang maisagawa ang planong paghihiganti sa kaniyang pagbabalik mula sa sinapit ng ama at paghihiwalay sa kaniyang kasintahan. Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere.
  • Basilio
    Binatang mag-aaral ng medisina kinalinga at inampon ni Kapitan Tiyago. Dating sakristan na panganay na anak ng nabaliw na si Sisa. Umibig sa isang masintahing dalaga na si Huli.
  • Isagani
    Ang makata at ang makabayang binata na mag-aaral ng Ateneo na nagmamahal nang labis kay Paulita Gomez kasunod ng pag-ibig niya sa bayan. Pamangkin ni Padre Florentino. Ang matayog na pangarap ni Dr. jose Rizal para sa bayan sa hinaharap- maunlad na bayan sa gitna ng abang kalagayan- ay lumabas sa bibig ni Isagani.
  • Padre Florentino
    Paring Pilipino na lubos na iginagalang ng lahat dahil sa kaniyang kahinahunan, taglay na kabaitan at pagiging makatao bilang tunay na alagad ng Diyos. Siya ang pinagkatiwalaan ni Simoun sa mga lihim ng kanyang tunay na pagkatao at nagbibigay -liwanag sa huling sandal ng buhay nito.
  • Kabesang Tales
    Si Kabesang Tales ang ama ni Huli. Isang masipag na magsasaka na naging biktima ng kawalang katarungan sa lupaing pinamuhunan ng buong pamilya niya ng pawis, dugo, at buhay makaraanng panggigipit ng mga prayle.
  • Huli
    Dalagang taganayon na kasintahan ni Basilio anak ni Kabesang Tales. Dumanas ng kahirapan at ni hindi nakapag-aral bunga ng mga kagipitang sinapit ng kaniyang pamilya. Nagpaalipin kay Hermana Penchang upang matubos ang amang binihag ng mga tulisan.
  • Donya Victorina
    Isang ginang na nasa hustong gulang ngunit ang paggalang ay hindi natatamo bunga ng paraan ng pananalita at pananamit. Hinahanap niya ang asawang si Don Tiburcio na umalis sa takot na hindi makapagpigil sa kanya at kung ano pa ang magawa.
  • Paulita Gomez
    Kasintahan ni Isagani at pamangkin ni Donya Victorina.
  • Padre Millon
    Isang gurong prayle sa Pisika na namamahiya ng mga mag-aaral lalo na sa Pilipinong estudyante.
  • Padre Salvi
    Dating kura ng San Diego at obispo ng Sta. Clara. Ang paring pinatutungkulan ng ulong pugot na ginamit ni Simoun upang ipabatid ang lahat ng poot niya sa paring gumupit sa kaniya.
  • Padre Camorra
    Naging kura Paroko ng San Diego. May lihim na pagtingin kay Huli at nagsamantala sa gipit na kalagayan ng dalaga.
  • Padre Fernandez
    Dominikanong propesor
  • Padre Sibyla
    Ang dominikanong vice-rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas.
  • Don Custodio
    Tinawag na Buena Tinta at ang Tagapanukala. Inilalarawan niya ang mga Pilipino na may kolonyal na kaisipan sapagkat siya'y nakarating sa ibang bansa ang tingin niya sa sarili ay magaling at napakahusay. Naniniwala siya na ang mga Pilipino ay walang kakayahan at masasawi lamang.
  • G. Pasta
    Bantog na abogado ng Maynila. Hindi nakikisangkot sa mga usaping panlipunan sa takot na madamay ang pinangangalagaang mga ari-arian kaya tumanging tulungan si Isagani.
  • Ben Zayb
    Manunulat sa isang pahayagan
  • Quiroga
    Isang mangangalakal na Tsino, ninais maging konsul ng Tsina sa Pilipinas kaya't nanunuhol siya at nalagay sa kagipitan bunga ng malaking pagkakautang kay Simoun.
  • Placido Penitente
    Tahimik, matalino at masipag na mag-aaral ng Batangas na nag-aral sa Maynila ngunit nabigo sa inaasahan.
  • Mataas na Kawani
    Marangal na kawani laging sumasalungat sa ibig ng Kapitan Heneral. Isang Espanyol ngunit may matuwid na pagpapasya.