Ang tekstong nanghihikayat ay naglalayong manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatya ng mambabasa.
Nakabatay ito sa opinyon at ginagamit upang maimpluwensiyahan ang paniniwala, pag-uugali, intensiyon at paninindigan ng ibang tao.
Mas matimbang ang pag-apela sa emosyon at ang karakter ng nagsasalita kaysa sa katotohanan ng ebedensiya at katwiran.
Talumpati
Mga patalastas
Halimbawa ng akdang gumagamit ng tekstong nanghihikayat
PROPAGANDA DEVICES
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboto ang isang kandidato
NAME-CALLING
Ito ay pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaliang POLITIKO upang hindi tangkilikin.
ex. brand x vs. branded
GLITTERING GENERALITIES
Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
TRANSFER
Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
TESTIMONIAL
kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorse ng isang tao o produkto.
PLAIN FOLKS
Karaniwang itong ginagamit sa kompanya o komersyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo.
CARD STACKING
Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
BANDWAGON
Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Ethos
eksperto sa larangan ng paksang iyong tinatalaka
May kredibilidad ka bang magsulat o magsalita tungkol dito.
Pathos
mapupukaw mo ba ang damdamin ng mga makikinig?
Logos
Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat/ Tagapagsalita