ESP

Cards (35)

  • Epekto ng Maagang Pakikipagtalik ng kabataan
    • Pagkasira ng kinabukasan
    • Maaaring magkaroon ng sakit
    • Maagang pagbubuntis
    • Aborsiyon
    • Pagkamatay
  • Ang pagsasabi ng totoo ay mahalaga sa paninindigan ng katotohanan. Ang tunay nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman. Maipapakita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa pagsasawika nito. Ito ay malayang pagpapahayag sa kung ano ang nasa isip. Ipinahihiwatig na kung ano ang wala sa isip ay hindi dapat isawika. Sa ganitong paraan, ang pagsisinungaling o hindi pagkiling sa katotohanan ay magaganap
  • Pagsisinungaling ang tawag sa hindi pagpili o pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay paghadlang sa bukas at kaliwanagan ng bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao.
  • TATLONG URI NG KASINUNGALINGAN:
    1. Jocose Lie
    2. Officious lie
    3. Pernicious lie
  • Jocose lie – pagsisinungaling na ang nais ihatid ay kasiyahan lamang Halimbawa: Pagkukuwento ng isang nanay tungkol sa Santa Klaus na nagbigay ng regalo sa batang marunong sumunod sa bilin ng mga nakatatanda. Hal. Pagkukuwento ng isang dalaga sa kaniyang nakababatang kapatid tungkol kay Santa Klaus na nagbibigay ng regalo tuwing Disyembre.
  • 2. Officious lie – pagsisinungaling na ang nais ay ipagtanggol ang sarili o di kaya ay lumikha ng eskandalo upang doon maibaling ang usapin. Halimbawa: Pagtanggi ng isang kaibigan na inubos niya ang kanilang baon na fried chicken na ang totoo ay kinain naman niya.
  • Pernicious lie – pagsisinungaling na sumisira sa reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba. Halimbawa: Pagkakalat ng maling bintang kay Acer na siya ang nagnakaw ng wallet ng kaniyang kaklase na hindi naman siya ang kumuha nito.

  • Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.
  • Ang sumusunod ay mga lihim na hindi basta-basta maaaring ihayag:
    1. Natural secrets
    2. Promised secrets
    3. Committed or entrusted secrets a. Hayag b. Di hayag
  • Natural secrets – ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa.
  • Promised secrets – ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito.
  • Committed or entrusted secrets – naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring: hayag at di hayag
  • Hayag: Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.
  • Di hayag: Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon
  • APAT NA PAMAMARAAN AYON SA AKLAT NI VITALIANO GOROSPE (1974) NG PAGTATAGO NG KATOTOHANAN:
    1. Silence(Pananahimik)
    2. EVASION (Pag-iwas)
    3. EQUIVOCATION (Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan)
    4. MENTAL RESERVATION (Pagtitimping Pandiwa)
  • SILENCE (Pananahimik)- pagtanggi sa pagsagot sa katanungan na maaaring magtulak sa isang tao na sambitin ang katotohanan
  • EVASION (Pag-iwas)- pagliligaw sa isang taong nangangailangan ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang katanungan
  • EQUIVOCATION (Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan)- Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
  • MENTAL RESERVATION (Pagtitimping Pandiwa)- paggamit ng mga salita na hindi nagbibigay ng tiyak na impormasyon sa nakikinig kung ito ba ay may katotohanan o wala.
  • Sa Prinsipyo ng Confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan.
  • MGA ETIKAL NA ISYU SA LIPUNAN
    1. Plagiarism
    2. Intellectual piracy
    3. Whistleblowing
  • PLAGIARISM Ito ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2003). Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya. Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo (Atienza, et al, 1996).
  • Sakop ng plagiarism ang lahat ng mga naisulat na babasahin o hindi man naitala, maging manuscript (mga sulat-kamay na hindi nalimbag), mga nailimbag o kaya sa paraang elektroniko at ang pagbubunyag sa lihim na kasunduan sa pagitan ng dalawa o grupo ng mga tao upang magtagumpay ang proyekto.
    Sumasailalim sa Prinsipyo ng Intellectual Honesty ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at nahiram na dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan.
  • Paano ito maiiwasan ang plagiarism? 1. Magpahayag sa sariling paraan. Magagawa ito sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng kaisipan sa pagpapaliwanag o pagbuo ng ideya at konsepto. 2. Mahalaga rin na magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon sa anumang argumento o pagtatalo. 3. Ang tamang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento at pagbuo ng sariling konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na magpahayag.
  • Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines. Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha
  • Copyright holder ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo
  • Mga dahilan kung bakit patuloy na umiiral ang Intellectual Piracy kahit na ito ay taliwas sa Intellectual Property Code of the Philippines.
    1. Presyo
    2. Kawalan ng mapagkukuna
    3. Kahusayan ng produkto 4. Sistema/paraan ng pamimil
    4. 5. Anonymity
  • Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/ korporasyon
  • Mga hakbang bago isiwalat ang katotohanan mula sa kompanyang pinagtatrabahuan: 1. Siguraduhin na ang kilos o piniling pasiya ay ayon sa batas moral. 2. Harapin nang buong tapang ang taong nakatataas sa iyo na gawin ang isang bagay na hindi mo ginawa. 3. Isiping maigi kung dapat nga ba itong ihayag sa publiko o midya. 4. Gawin at isakatuparan nang buong tapang upang mangibabaw ang interes at kabutihan ng nakararami kaysa sa pansariling interes lamang.
  • Whistleblower ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon
  • May pananagutan ang bawat isa sa atin na mamuhay ayon sa prinsipyo ng katotohanan
  • Ang grupo nila Dr. Twila Punzalan et.al ay nagmungkahi sa kanilang aklat na Kaganapan sa Maylalang kung paano malilinang ang kakayahang magsaliksik at mamuhay sa katotohanan
  • Paano malilinang ang kakayahang magsaliksik at mamuhay sa katotohanan

    1. Magbasa ng mga tama at napapanahong babasahin sa literature
    2. Hubugin ang hilig o ugali ng pagtatanong o pagkakaroon ng mapanuring kaisipan
    3. Maging mahinahon at matalino sa pagtanggap ng mga impormasyon o balita
    4. Magsikap na magsaliksik at mag-imbestiga sa mga isyu at pahayag
    5. Patingkarin/palakasin o pasiglahin ang partisipasyon s amga debate at malayang talakayan
    6. Magkaroon ng obhetibo at moral na batayan sa paghahanap ng katotohanan
    7. Manalangin at humingi ng inspirasyon mula sa Diyos
  • Isa sa Sampung Utos ng Diyos ay ang huwag kang magsinungaling, nakaulat iyan sa aklat ng Exodo 20:16. Kaya patunay iyan na hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang pagsisinungaling. Nais niya na ang kaniyang nilikhang mga tao ay magpamalas ng katapatan at mamuhay sa prinsipyo ng katotohanan.
  • Bagaman waring ang pagsisinungaling ay pangkaraniwan na lamang na kalakaran sa ating modernong daigdig marami pa ring mga tao ang nagnanais na ipakita ang pagiging matapat. Katapatan pa din ang pangunahing katangian na hinahanap sa isang pulitiko, sa isang kawani ng gobyerno, sa isang manggagawa sa isang kompanya, sa isang asawa, sa isang anak, sa isang tao sa lipunan. Oo, hindi nagbabago ang pamantayan ng Diyos sa katotohanan. Maging ikaw ay nakikita mo sa ibat-ibang aspeto ng iyong buhay ang kahalagahan ng pagsasabuhay sa paggalang sa katotohanan.