napakahalagang may mahusay at lubos na pinag-isipang paksa
mahabang panahon ang ginugugol sa paghahanap ng datos
makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago magkaroon ng pinal na desisyon
Konsultahin ang tagapyo o guro tungkol sa modipikasyong gagawin
Tips
Interesado ka o Gusto mo ang paksang pipiliin
Mahalagang maging bago o naiiba at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan
May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Kakailangang gastusin
Upang mapanatili ang interes:
paksang marami ka nang nalalaman
paksang gusto mo pang higit na malaman
paksang napapanahon
Paglalahad mula sa mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang ng anumang natuklasan na
Habang pumipili ng paksa ay pag-isipan na kaagad kung saan-saan o kung sino-sino ang panggagalingan ng impormasyon.
Makabubuting matiyak na ang resources (tao man o bagay) ay nariyan at maaaring magamit sa oras o panahong kakailanganin para sa gagawin.
Maaaring panggalingan ng impormasyon:
sarili
nabasa
napakinggan
napag-aralan
mga babasahin
iba't ibang tao
Dito pumapasok ang paalalang ang paksa ay dapat angkop sa kakayahan ng mananaliksik.
Tandaang habang binubuo mo ang sulating pananaliksik sa isang asignatura ay may iba ka pang asignaturang mangangailangan din ng iyong panahon at atensyon.
Umiwas sa masyadong malalawak o masaklaw na paksang aabutin ng mahabang panahon bago matapos
Upang maiwasan ang masklaw na paksa:
panahong saklaw ng pag-aaral
gulang ng mga kasangkot
kasarian ng mga kasama
lugar na kasangkot
pangkat ng taong kinabibilangan
kombinasyon ng iba pang batayan
Sa simula pa lang ng pagpili ng paksa, isipin ang mga praktikal na aspeto gaya ng iyong gagastusin.
Masyado bang kumplikado ang napili kong paksa? O baka naman sobra itong limitado?
Matatapos ko ba ang paksa sa timeframe na ibinigay ng aking guro?
May paghahanguan ba ako ng datos para sa aking paksa? Marami na kayang naisulat na babasahin ukol dito?