Unang Digmaang Pandaigdig 1.2

Cards (72)

  • Unang Digmaang Pandaigdig
    Ang unang malawakang digmaan na nagsimula noong 1914 at nagwakas noong 1918
  • Tinawag ding unang makabagong digmaan sa kasaysayan dahil dito ginamit ang mga naimbentong mga kagamitan gaya ng machine guns, poison gas, eroplanong pandigma, submarine at mga tangke
  • May tatlumpu't dalawang bansa sa limang kontinente ang sumali sa digmaang ito hanggang sa pagwawakas nito
  • Napakalaki nang naging epekto ng digmaan sa pangkabuhayang aspeto ng Europa at higit sa lahat ay kumitil ito ng napakaraming buhay
  • Binago ng digmaang ito ang mapa ng buong Europa
  • Imperyalismo
    Ang kompetisyon sa pag-aagawan ng mga kolonya sa Africa at Asya sa pagitan ng mga industriyal na bansa sa Europa ang nagpalalim sa tunggalian at kawalan ng tiwala ng mga bansa nito sa isa't isa
  • Imperyalismo
    • Pagsalungat ng Britanya sa pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa)
    • Pagtangka ng Germany na hadlangan ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco
    • Pagkabahala ng England sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway
    • Pagsalungat ng Serbia at Russia sa pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan
    • Pagiging kalaban ng Germany ang Great Britain at Japan sa pagsakop sa China
    • Hindi natuwa ang Italy at ang Germany sa pagkakahati-hati ng Africa
  • Militarismo
    Kinailangan ng mga bansa sa Europa ang mga naglalakihang hukbong sandatahan sa lupa, karagatan at himpapawid upang pangalagaan ang kanilang mga teritoryo
  • Ang pagpaparami ng mga armas upang mahigitan ang ibang bansa ay nagpakita ng pagpili sa digmaan kaysa sa diplomasiya
  • Sinimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany na ipinagpalagay naman ng England na ito ay paghamon sa kanilang kapangyarihan bilang Reyna ng Karagatan
  • Nasyonalismo
    Ang masidhing pagmamahal sa sariling bayan
  • Nasyonalismo
    • Ang aristokrasyang militar ng Germany, ang mga Junker, ay naniniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europa
    • Pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria
    • Pagkakaroon ng Greek Orthodox na relihiyon sa maraming estado ng Balkan, at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso kaya't nakialam ang Russia sa Balkan
  • Alyansa
    Dahil sa inggit, hinala at mga pangamba ng mga makapangyarihang bansa sa Europa, nabuo ang dalawang magkasalungat na alyansa
  • Triple Entente
    • France
    • Britain
    • Russia
  • Triple Alliance
    • Germany
    • Austria-Hungary
    • Italy
  • Sa ilalim ng pagkakaroon ng mga alyansa, ang bawat kasapi ay magtutulungan kung mailalagay sa kaguluhan at mga tangkang pagsalakay sa kanilang bansa
  • Pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig
    1. Krisis sa Bosnia noong 1908
    2. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie noong Hunyo 28, 1914
    3. Austria-Hungary nagbigay ng ultimatum sa Serbia
    4. Austria-Hungary nagdeklara ng digmaan sa Serbia noong Hulyo 28, 1914
    5. Russia sumuporta sa Serbia
    6. Germany nagdeklara ng digmaan sa Russia noong Agosto 1, 1914
    7. Germany nagdeklara ng digmaan sa France pagkalipas ng dalawang araw
    8. Italy naging neutral
  • Sa labanang ito ay naging kalaban ng Germany ang France sa kanluran at Russia sa silangan
  • Ginamit ng Germany ang Schlieffen Plan na naglalayong talunin ang France sa loob ng anim na linggo matapos nito ay isusunod nila ang Russia
  • Dumaan sa Belgium (bansang neutral) ang Germany na ikinagalit ng Great Britain kayat nagdeklara ito ng digmaan sa Germany noong
  • Inisip ng Russia na ang Germany ang nagtulak sa Austria-Hungary upang makipagdigma sa Serbia
  • Nagdeklara ang Germany ng digmaan sa Russia noong Agosto 1, 1914
  • Nagdeklara din ang Germany ng digmaan sa France pagkalipas ng dalawang araw
  • Nagpasya ang Italy na maging neutral o walang kinikilingan
  • Ang Allied Powers ay kinabibilangan ng Great Britain, France at Russia
  • Ang Central Powers ay kinabibilangan ng Germany at Austria Hungary
  • Sumali ang Japan at Italy sa Allied at ang Turkey at Bulgaria sa panig naman ng Central Powers
  • Naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig sa France, Switzerland at Belgium hanggang sa North Sea
  • Naglunsad ang Russia ng pagsalakay sa Germany
  • Natalo ang hukbong Russia sa Labanan sa Tannenberg
  • Nagtagumpay naman ang hukbong Russia sa Galicia ngunit di rin nagtagal ang kanilang tagumpay
  • Naging sunod-sunod ang pagkabigo ng Russia sa mga labanan
  • Naging bigo ang Russia sa mga digmaan at bumagsak din ang kanilang ekonomiya na naging dahilan ng kawalan ng tiwala ng tao sa pamumuno ni Czar Nicholas II
  • Nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk
  • Naging kasapi ang Russia ng Central Powers at iniwan niya ang mga Alyado
  • Tinawag ang Gallipoli Campaign na hindi naging matagumpay ang Allied Powers
  • Nagdeklara din ng digmaan ang Japan laban sa Germany at naagaw nito ang mga teritoryo sa China at Pacific
  • Ang mga naging kolonya ng Germany sa Africa ay napasakamay naman ng France at Britain
  • Nagkasubukang muli ang pwersa ng Germany at Britain sa Atlantic
  • Nagpalubog ang Germany sa Lusitania, pampasaherong barko ng Britain na may sakay ding mga Amerikano