Etika sa Pananaliksik

Cards (15)

  • "The Mettle of the Filipino Spirit"
    • nagkamit ng unang gantimpala sa 2nd Calidad Humana National Essay Photography Competition noong Setyembre 2013
  • Mark Joseph Solis: mag-aaral ng UP na nagkamit ng unnag gantimpala
  • Kinuha raw ang larawan sa Zamboanga. Isang batang tumutulong sa kaniyang ama na manguha ng halamang –dagat.
  • Pinabulaanan ni Gregory John Smith, isang social worker at isa sa mga nagtatag ng Children at Risk Foundation, Ang orihinal daw na larawan ay kinuha niya sa Brazil noong 2006 at inilagay sa internet.
  • Umamin si Solis at gumawa ng liham kay Smith at sa harap ng publiko ay sinabing isasauli niya ang anumang napanalunan sa paligsahan sa orihinal na may-ari ng larawan. Pinaalis ng UP si Solis sa pag-aaral ng MA Public Administration matapos ang imbestigasyon.
  • Etika
    • pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama o mali
    • sa pilosopiya, ito ay itinuturing na isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat.
    • sa pananaliksik, ito ay ang pagsunod sa pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pangunguna sa kapakanan ng kapwa
  • Gabay:
    1. Pagkilala sa pinagmulan ng ideya
    2. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok
    3. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok
    4. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik
  • Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya: mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik.
  • Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok: kailangang hindi pinilit ang sinomang respondente sa pagbibigay ng impormasyon, kailangan maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon (ang bigat at peligro). Kailangang buong- loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.
  • Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok: pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakilanlan ng taga sagot (sensitibong paksa). Kailangan pa ring ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos pananaliksik.
  • Pagbabalik at Paggamit ng resulta: mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri sa kinalabasan ng pagaaral. Makabubuti na ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa iba.
  • Plagiarism
    • pag-angkin sa gawa o ideya ng iba
    • hindi paglagay ng maayos na panipi
  • Plagiarism: pangongopya ng maraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito.
  • Plagiarism
    • pag-angkin sa gawa o ideya ng iba
    • hindi paglagay ng maayos na panipi
    • pagbibigay ng maling imporasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
    • pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala.
  • Mga nasangkot sa plagiarism:
    • Senador Tito Sotto - Robert F. Kennedy
    • Manny V. Pangilinan - isang kilalang personalidad
    • Karen Davila - Angela Stuart Santiago
    • Pagkopya ng dokumentaryo tungkol sa pagkamatay ni Cory Aquino