NCLA

Cards (13)

  • Mga Organisasyong Nagtataguyod sa Karapatang Pantao
    • Amnesty International
    • Human Rights Action Center (HRAC)
    • Global Rights
    • Asian Human Rights Commission (AHRC)
    • African Commission on Human and People's Rights
    • Commission on Human Rights (CHR)
  • Amnesty International
    Pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay "It is better to light a candle than to curse the darkness." Pangunahing adhikain ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig. Gayundin ang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
  • Human Rights Action Center (HRAC)

    Itinatag ni Jack Healey, isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses. Nakikipag-ugnayan din ang HRAC sa mga pinuno ng pandaigdigang sining tulad sa musika, teatro, pelikula, at maging ng printed material upang maipalaganap ang kahalagahan ng karapatang pantao.
  • Global Rights
    Pangunahing layunin ng samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan. Pinalalakas din nito ang mga aktibong kalahok ng samahan na itala at ilantad ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng mga repormang patungkol sa karapatang pantao at makapagbigay ng serbisyong-legal.
  • Asian Human Rights Commission (AHRC)

    Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin nito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
  • African Commission on Human and People's Rights
    Isang quasi-judicial body na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao at magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and People's Rights.
  • Commission on Human Rights (CHR)

    Ang pangunahing tungkulin ay pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang "National Human Rights Institution (NHRI)" ng Pilipinas. Nagkakaloob ang CHR ng mga pangunahing programa at serbisyo upang maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino. Ilan sa mga ito ay pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, pagbigay ng tulong at serbisyong legal sa mga biktima, pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung may kaso ng paglabag sa karapatang pantao, at pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service.
  • Maraming organisasyon sa iba't ibang panig ng daigdig ang binuo upang itaguyod ang mga karapatang pantao at tuluyang wakasan ang pagmamalabis sa mga karapatang ito.
  • Karaniwan sa matatagumpay na pandaigdigang samahang nagtataguyod ng mga karapatang pantao ay nagmula sa mga NGO o Non-Governmental Organization kung saan pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga samahang ito.
  • Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
  • Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa.
  • Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations si Eleanor Roosevelt - ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
  • Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang "International Magna Carta for all Mankind." Sa kauna- unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento.