FILIPINO

Cards (14)

  • Pananaliksik
    Isang proseso ng paghahanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
  • Katangian ng pananaliksik
    • Sistematiko - sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso
    • Kontrolado - Tumutukoy sa isang uri ng pananaliksik kung saan sinasadyang manipulahin o kontrolin ng mananaliksik ang isa o higit pang mga variable
    • Emperikal - Ang proseso ng pananaliksik ay batay sa mga obserbasyon at eksperimento na maaaring mapatunayan o masukat sa pamamagitan ng karanasan o pagmamasid sa mga pisikal na katotohanan - nakabatay sa obserbasyon, datos, at ebidensya
    • Pagsusuri - ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo
    • Lohikal, obhetibo at walang kinikilingan - ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik
  • Etikal na Pananaliksik at Responsibilidad ng mga Mananaliksik
    • Pagkilala sa pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
    • Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
    • Pagiging Kumpidensiyal at Pagkubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
    • Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
  • Plagiarismo
    • Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
    • Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag
    • Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
    • Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala
    • Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito
  • Proseso ng Pananaliksik
    1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
    2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
    3. Pangangalap ng Datos
    4. Pagsusuri ng Datos
    5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
  • Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
    • Pamimili at paglilimita ng paksa
    • Pagbuo ng tanong ng pananaliksik
    • Pagbuo ng haypotesis
    • Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura
  • Pagdidisenyo ng Pananaliksik
    • Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
    • Pagbuo ng paradaym, konseptuwal at teoretikal na balangkas
    • Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
    • Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos
  • Pangangalap ng Datos
    • Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktuwal na paggamit dito
    • Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
    • Pagsasagawa ng sarbey o panayam
    • Pagsasaayos ng mga datos para sa presentasyon
  • Pagsusuri ng Datos
    • Presentasyon ng datos
    • Pagsusuri at interpretasyon ng datos
    • Paggamit ng mga paraang istatistikal sa interpretasyon ng datos sa kwantitatibong pananaliksik at pagbuo ng mga tema o kategorya sa kwalitatibong pananaliksik
    • Pagbuo ng lagom, konkulsyon, at mga rekomendasyon
  • Pagbabahagi ng Pananaliksik
    • Pamimili ng journal kung saan ilalathala ang pananaliksik
    • Rebisyon ng format at nilalaman batay sa rebyu ng journal
    • Presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi
    • Pagpapaikli ng pananaliksik
  • Kabanata 1
    • Panimula
    • Teoretikal na Balangkas
    • Konseptwal na Balangkas
    • Paglalahad ng Suliranin
    • Haypotesis
    • Kahalagahan ng Pag-aaral
    • Saklaw at Limitasyon
    • Katuturan ng mga Salita
    • Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
  • Kabanata 2
    • Metodo ng Pananaliksik
    • Pamamaraang Gagamitin
    • Populasyon
    • Paraan ng Pagpili ng Kalahok
    • Deskripsyon ng mga Respondente
    • Instrumento ng Pananaliksik
    • Paraan ng Pangangalap ng Datos
    • Uri ng Gagamiting Estadistika
  • Kabanata 3
    • Paglalahad ng Resulta
  • Kabanata 4

    • Lagom ng Natuklasan
    • Kongklusyon
    • Rekomendasyon