AP Q1

Cards (151)

  • Heograpiya
    Pag-aaral sa kalupaan, topograpiya, kalikasan, mga pagbabago sa kalikasan, mga likas na yaman, klima at panahon, direksyon at mapa, at ang epekto ng mga kaalamang ito sa pamumuhay ng sangkatauhan
  • Heograpiya
    Hango sa dalawang salitang Griyego: Mundo o Lupa at Pagsulat o Pagtala
  • Limang tema ng heograpiya
    • Lokasyon
    • Lugar
    • Rehiyon
    • Paggalaw
    • Interaksyon ng tao sa kapaligiran
  • Lokasyon
    Eksaktong kinalalagyan ng isang lugar
  • Absolutong lokasyon
    Gamit ang imahinasyong guhit ng latitude line at longhitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkrus ng dalawang guhit na ito ay tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig
  • Relatibong lokasyon
    Ang batayan ay ang mga lugar at bagay na nasa paligid, tulad ng anyong lupa, tubig, at estrukturang gawa ng tao
  • Lugar
    Tumutukoy sa mga katangiang nagtatangi sa isang pook
  • Aspektong pisikal
    Tumutukoy sa anyong likas o gawa ng tao
  • Aspektong pantao
    Tumutukoy sa mga impormasyon ukol sa mga naninirahan sa bansa o bayan
  • Alamat
    Kuwento na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o mga grupo ng tao
  • Mitolohiya
    Mayamang koleksyon ng mga kwento ukol sa sinaunang kasaysayan ng isang lahi, pangkat ng tao, o relihiyon
  • Paggalaw ng tao
    Sinusuri ang mga dahilan ng migrasyon, o ang paglilipat ng tao o grupo ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa bago, at ang epekto nito sa pamumuhay
  • Rehiyon
    Tumutukoy sa isang espasyo o lugar na may magkakatulad na katangian tulad ng klima, kultura at likas na yaman
  • Mythos
    Kuwento ng tao o sangkatauhan
  • Ang panahon ng kasaysayan bago pa magkaroon ng sistema ng pagsulat ay tinatawag na prehistory. Ito ay nangangahulugang "panahon bago ang kasaysayan".
  • Christian Thomsen

    Danish na arkeologo, ang nagpalaganap sa tinatawag na three-age system. Ito ay pamamaraan sa paghahati o pagpapangkat sa sinaunang panahon.
  • Topograpiya
    Pag-aaral sa lupain, mga anyo, at mga katangian nito gamit ang agham at teknolohiya
  • Topograpiya
    Hango sa dalawang salitang Griyego: Lugar at Pagsulat
  • Logos
    Salita o pabigkas
  • Tatlong yugto ng three-age system
    • Panahon ng Bato
    • Panahon ng Bronse
    • Panahon ng Bakal
  • Anyong pisikal ng daigdig
    • Bulubundukin
    • Bundok
    • Talampas
    • Burol
    • Bulkan
    • Lambak
    • Desyerto
    • Kapatagan
    • Isla
    • Arkipelago
  • Cosmogony
    Mga sanaysay ukol sa pinagmulan ng buhay at ng daigdig na galing sa mga mitolohiya at relihiyon
  • Creationism
    Paniniwala ng mga relihiyon na mayroong nilalang na lumikha sa lahat ng buhay sa daigdig
  • Big Bang Theory
    Nagmula ang buong kalawakan sa iisang pagsabog at pagkatapos noon ay patuloy itong lumaki at lumawak
  • Panahong Paleolitiko
    Ibig sabihin ay panahon ng Lumang Bato
  • Anyong tubig
    • Karagatan
    • Dagat
    • Ilog
    • Lawa
    • Golpo
    • Look
  • Mga kontinente
    • 1
    • 2
    • 3
    • 4
    • 5
    • 6
    • 7
  • Mga yamang likas
    • Yamang lupa
    • Yamang tubig
    • Yamang mineral
  • Primordial Soup Theory

    Teorya na nagsimula ang buhay sa karagatan
  • Oldowan
    Pinakamatandang pamamaraan ng paggawa ng kagamitang wangis sa bato
  • Acheulean
    Mas sistematiko at mas komplikadong pamamaraan sa paggawa ng mga kagamitang bato
  • Renewable
    • Hayop
    • Halaman
    • Kagubatan
    • Mga katubigan
  • Non-renewable
    • Fossil fuels
    • Mga yamang mineral tulad ng ginto, pilak, at iba pa
  • Theory of Evolution
    Proseso sa pagbabagong anyo ng mga nilalang na dumaan sa loob ng mahabang panahon upang higit na makibagay sa kapaligiran
  • Survival of the Fittest
    Mga organismo ay mananatili lamang kung kaya nilang makisabay o makiayon sa pagbabagong nagaganap sa kanilang kapaligiran
  • Panahong Mesolitiko
    Ibig sabihin ay Gitnang Panahon ng Bato
  • Panahong Mesolitiko
    • Gamit ang kagamitang bato ay patuloy parin silang nanghuhuli ng iba't ibang uri ng hayop at nangongolekta ng iba't ibang uri ng pananim
    • Ginamit ng mga sinaunang tao ang pagbabago sa heograpiya upang manirahan malapit sa ilog o lawa
    • Natuklasan nila ang agrikultura
  • Panahong Neolitiko
    Ang salitang neo ay hango sa wikang griyego na ang ibig sabihin ay "bago"
  • Panahong Neolitiko
    • Hindi na naging nomadiko ang mga sinaunang tao dahil sa pagsasaka
    • Nakapagtayo narin ng komunidad ang sinaunang tao malapit sa mga anyong tubig tulad ng ilog at lawa
    • Nagsimula ang pagbuo at pagyabong ng kultura sa iba't ibang lugar
    • Nagsimula narin mangalakal ang sinaunang tao
  • Ang mahalagang pagkakaiba ng panahong ito sa Panahon ng Bato ay ang pagkuha ng mineral na ore, sa pamamagitan ng proseso ng smelting. Ayon sa pag-aaral, ang tanso o copper ang unang uri ng metal na nagamit ng tao.