Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan

Cards (14)

  • Ito ay isa sa pinakadakilang katangian ng tao sa isang estado.
    Pagkamamamayan o Citizenship
  • Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen.
  • Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.
  • Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.

    Polis
  • Ito ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang ang kalalakihan.
    Polis
  • Sino ang nagsabi na hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
    Orador ng Athens na si Pericles
  • Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.
  • Sino ang nagsabi na ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. At kailan niya ito sinabi?

    Murray Clark Havens (1981)
  • Ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
    Saligang Batas o Konstitusyon
  • Anong batas ang nagsasabi na ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
    Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987
  • Anong batas naman nakapaloob ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dual citizenship.
    Republic Act 9225 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong September 17, 2003.
  • Jus Sanguinis
    Ang pagkamamamayan ay nakaayon sa dugo o pagkamamamayan ng ina o ama. Ang isang sanggol na ang ama o ina ay Pilipino ay kinikilala bilang isang Pilipino. Ito ang sinusunod sa Pilipinas.
  • Jus Soli
    Ang pagkamamamayan ay nakaayon sa lugar ng kapanganakan. Ito ang prinsipyong sinusunod sa ibang bansa, gaya ng Estados Unidos.
  • Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:
    1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang-Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987.
    2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino.
    3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino.
    4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon.