Si Diosdado P. Macapagal ay ang ikalimang Pangulo sa Ikatlong Republika. Siya rin ay ikinilalang "Ama ng Reporma sa Lupa"
Ang layunin nito'y maitaas ang antas ng pamumuhay ng bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, pagbibigay ng mga murang pabahay, pagpapabuti ng kalagayan ng mga magsasaka, at pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.
ALRC- AGRICULTURAL LAND REFORM CODE- RA 3844
AGRICULTURAL LAND REFORM CODE - RA 3844: Pagpapalit ng patakaran ng paghahati ng ani. Ibinababa sa 25% ang babayadan ng tenant sa may-ari ng lupa. Binigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka.
Pagbabago sa Araw ng Kalayaan- Ibinalik sa Hunyo 12 ang araw ng kalayaan dahil ito ang araw na ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas.
Hulyo 4: Philippine-American Friendship Day
Pilipinismo- Paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na dokumento
MAPHILINDO- Malaysia, Philippines, Indonesia (Hunyo 7-11 1963)
MAPHILINDO- Isang kasunduan na magkaroon ng matibay na pagtutulungan ang 3 bansa.
Pag-angkin sa Sabah- dating pag-aari ng Sultan ng Brunei na ibinigay niya sa Sultan ng Sulu dahil sa tulong nito sa pagsupil ng reblyon sa Brunei (Ngayon ay nasa bahagi ng Malaysia)