Simoun - Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere, nagkukunwaring mayamang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan
Basilio - estudyante ng medisina, Kasintahan niya si Juli. Kalaunan ay naging kakampi niya si Simoun
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Isagani - estudyanteng makata, pamangkin ni Padre Florentino; Kasintahan niya si Paulita at isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas
Kabesang Tales- ama nina Juli at Carolino, Siya ay isang magsasaka na naging tulisan na naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan Naghangad ng Karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales, Nabaril ng kanyang sariling apo
Herman Bali - Si HermanaBali ang nanghimok kay Juli upang manghingi ng tulong kay Padre Camora na mapalaya/ ang kasintahan ni Basilio
Quiroga - isang negosyanteng Tsino, Nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
DonyaVictorina - Pilipinang nagpapanggap na Europea. Tiyahin siya ni Paulita Gomez
Don Custodio - kilala rin sa tawag na "Buena Tinta" ang tagapagpasya sa usaping Akademya ng Wikang Kastila.
Ginoong Pasta - tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-Zayb - manunulat sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balit. Laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ng katotohanan.
Padre Camora - ang mukhang artilyerong Kura ng Tiyani, Ang paring gumahasa kay Juli, Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay-liwaliwan.
Padre Fernandez -isang Dominikanong propesor, Isanparing may malayang paninindigan.
Padre Sibyla- Dominikanong vice- rector ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Padre Salvi - isang Pransiskanong dating kura ng San Diego may pagtingin kay Maria Clara
Padre Florentino ang tatay ni Isagani, Pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng hininga
Juanito Pelaez - estudyanteng kabilang sa kilalang angkang may dugong kastila
Macaraig - mayamang estudyanteng sumusuporta sa pagtatag ng Akademya ng Kastila ngunit biglang nawawala sa oras ng kagipitan
Sandoval - estudyanteng Kastila na kapanalig ng mga mag- aaral sa usapin ng, Akademya ng Wikang Kastila
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling amo o pinaglingkuran ni Juli noong mga panahong kailangan niya ng pandagdag na salapi para may ipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan