topic 4 pagsusuri sa metodo at pagsunod sa etika

Cards (28)

  • kuwantitatibo- tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon.
  • kuwalitatibo- kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito
  • metodolohiya- sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
  • methodus- patakaran alituntunin
  • logia- nagangangahulugang larangan ng pag-aaral
  • disenyo- ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik
  • pamamaraan- ay kung paano mabibigyang katuparan ang disenyo
  • sarbey- ito ang gagamitin kung mangalap ka ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik.
  • Pakikipanayam o interbyu- naglalayon ang pakikipanayam na kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa taong kakapanayamin
    1. Binalangkas na Pakikipanayam (Structured Interview)- may mga permanenteng tanong o gabay na tanong
  • Di-binalangkas na pakikipanayam (unstructured interview- may kalayaan ang tagapagtanong at kapanayam na ulitin, balikan at talakayin ang mga mahahalagang punto sa panayam
  • Obserbasyon- nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan.
  • obserbasyon- maaaring gamitin ito sa deskriptibo o eksperimental na imbestigasyon.
  • Di-pormal na obserbasyon- Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon
  • Pormal na Obserbasyon - itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay binabalangkas. Limitado ang impormasyon ngunit sistematiko
  • Dokumetaryong Pagsusuri- ito ang pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at nga dokumento upang malutas ang mga suliranin.
  • Lokal at Populasyon ng Pananaliksik- Dito nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik.
  • Lokal at Populasyon ng Pananaliksik- Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang proseso ng sampling na pinagdaanan at kung ano ang dahilan o pinagbatayan ng pamimili ng kalahok.
  • Lokal at Populasyon ng Pananaliksik- Sa bahaging ito ng metodolohiya, ilalahad ang uri ng kaangkopan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik.
  • Instrument- Nakabatay sa disenyo at pamamaraan
  • Kasangkapan sa Paglikom ng Datos- hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos. Maaaring gumawa ang mananaliksik ng dayagram upang maipakita ang mga hakbang sa pangangalap ng datos o kaya ay ilahad na lamang ang mga ito.
  • kuwalitatibo (paraan)- paano isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap
  • kuwantitatibo- nakapaloob sa bahaging ito ang iba't ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos.
  • American Psychological Association (2003) at Center for social Research Methods (2006)-maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang manannaliksik sa anumang larangan.
  • Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
    1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga ideya sa Panaliksik
    2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
    3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
    4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
    5. Plagiarism
  • Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014)- ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
  • Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014)- ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
  • ANG IBA PANG ANYO NG PLAGIARISM AYON SA PLAGIARISM. ORG (2014) 1. Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
    2. Hindi pagalalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag; 3. Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag; 4. Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala; 5. Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan ng halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito