Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861
Namatay noong ika-30 ng Disyembre 1896
Mga kapatid ni Rizal
Saturnina
Paciano
Narcisa
Olimpia
Lucia
Maria
Concepcion
Josefa
Trinidad
Soledad
Bumalik si Rizal sa Pilipinas galing sa Espanya
Oktubre 1887
Palihim na umalis si Rizal sa Pilipinas
Pebrero 1888
Sinimulag isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa London
1890
Natapos isulat ang El Filibusterismo
Marso 1891
Napahinto ang paglalathala dahil sa kakapusan sa pera
Agosto 1891
Natapos ang pagpapalimbag sa nobela
Setyembre 1891
Simoun
Mayamang nag-aalahas, pinagkakamalang Indiyo, Ingles, Portuges, Amerikano, Mulato at kung minsan tinatawag na Cardenal Moreno, kaibigan ng mga makapangyarihan at mga pari, misteryosong nakasalaming may kulay tuwing araw at gabi
Basilio
Anak ni Sisa, nanilbihan kay Kapitan Tiyago kapalit ng pag-aaral ng medisina, batid niya ang lihim ni Simoun
Isagani
Mag-aaral sa Ateneo Municipal, makata at pamangkin ni Padre Florentino, kasintahan ni Paulita Gomez
Kabesang Tales
Kabesa de Barangay na naghimagsik laban sa korporasyon ng mga paring inangkin ang hinawang lupain kaya't sumapi sa rebelde
Padre Florentino
Isang Pilipinong pari na amain ni Isagani, nasaksihan ang kamatayan ni Simoun, siya ang nagtapon ng kayamanan ni Simoun sa pusod ng dagat
Juli
Bunsong anak ni Kabesang Tales, kasintahan ni Basilio
Placido Penitente
Kilalang pinakamatalinong mag-aaral mula sa Tanauan, Batangas, nag-aaral ng abogasya dahil mahusay sa debate at sa Latin, nagdesisyong di na ipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa kabiguan sa sistema ng edukasyong inaasam sa Maynila
Padre Irene
Paring namahala sa paghingi ng kapahintulutangmakapagtayo ng AkademyangWikangKastila, kaibigang matalik at tagapayo ni Kapitan Tiyago
Tandang Selo
Lolo nina Juli at Tano na dinibdib ang mga kasawian ng pamilya, napipi at nabaril ito ng apong si Tano
Padre Salvi
Ang kura sa SanDiegong pumalit kay Padre Damaso, tinaguriang moscamuerta o pataynalangaw
Padre Camorra
Kura paroko na mukhang artilyero ng kumbento ng Tiani na nagtangkang pagsamantalahan si Juli
Padre Fernandez
Dominikong paring may kakaibang ugali dahil sa paninindigan sa ibang kaparian, paboritong mag-aaaral si Isagani dahil sa katalinuhan nito
Paulita Gomez
Katipan ni Isagani, maganda at mayamang pamangkin ni Donya Victorina
Ginoong Pasta
Pinakatanyag na abogado sa Maynila at sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga mag-aaral tungkol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
Don Custodio
Kastilang opisyal ng pamahalaang tingin sa sarili na siya lamang ang nag-iisip sa Maynila, hindi kikilos kung walang papuri ng pahayagan, mahilig humawak ng maraming tungkulin ngunit hindi alam kung paano palalakarin, binansagang "buena tinta"
Tano
Anak na lalaki ni kabesangTales na pumasok na guwardiya sibil
Macaraig
Mayamang mag-aaral na masigasig sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez
Anak ng isang mayamang mangangalakal, ikinasal kay Paulita Gomez, mahusay makisama sa mga propesor, mahilig manukso at palaasa sa katalinuhan ng iba
Sandoval
Kastilang kawaning nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas, lihis ang mga gawain sa kaniyang mga kababayan at nakiisa sa mga Pilipinong mag-aaral sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
Tadeo
Mag-aaral na kaya lang pumapasok sa paaralan upang alamin kung may pasok
Quiroga
Mangangalakal na Tsino na nais magkaroon ng konsulado ng Tsino sa Pilipinas at kaibigan ng mga prayle
Donya Victorina
TiyahinniPaulita Gomez na nag-ayos, kumilos at nag-asal Kastila, itinuturing din siyang mapait na dalandan
Hermana Penchang
MayamangDonya/manang na nagpahiram ng pantubos kay Juli bilang kapalit ng pagiging katulong nito
Ben Zayb
Mamamahayag na Espanyol na dipatas sa pagsulatngbalita at mataas ang tingin sa sarili ay siya lamang ang nag-iisip sa Maynila