Cards (10)

  • Burador
    Kilala sa tawag na draft, ito'y paraan ng pagbabalangkas kung saan hindi pinal at maaring magbago kapag ito ay isinusulat mo na
  • Burador
    • Malimit itong gamitin lalo pa kung hindi Filipino ang asignatura
    • Kailangan may sapat ka nang kaalaman sa pananaliksik na iyong gagawin
    • Mas magiging tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga kaisipan kung sapat na ang mga datos at tala na mayroon ka
    • Magsisilbing overview mo kung may nakaligtaang detalye ka sa iyong pananaliksik
    • Maaring pasulat o kaya ay ginagamitan ng kompyuter
    • Mas mainam ang paggamit ng kompyuter sa pagsususulat dahil maari mo na itong maiimbak at mabuksan anumang oras mo gustuhin
  • Pagbuo ng burador
    1. Magkaroon ng pagtatala ng iyong mga puna
    2. Magkaroon ng karagdagang impormasyon at mga mapananaligang datos na magagamit mo sa pag-aaral
  • Istratehiya sa Pagsulat ng Papel
    1. Panimula - magsimula nang may kakintalan, maaring
    kahulugan ng salita, buhat sa kasaysayan, kahulugan ng mga
    susing salita o mga ideya ukol sa paksa ng pag-aaral. Ilahad
    kung bakit napili ang paksa at kung bakit tinatalakay ang
    paksa. Ibigay ang layunin at kung ano inaasahang
    matuklasan sa paksa.
    B. Konklusyon - ibuod ang mga tala na nakalap at magbigay ng
    mga panibagong kaalaman. Tukuyin din ang mga kadahilan
    kung bakit napili ang papel at ang maari nitong kalalabasan.
    Ang katuparan ng pananaliksik ay mananatiling nasa kamay
    ng mananaliksik.
  • Layunin
    Matukoy simula pa lang kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit mo isasagawa ang nasabing pag aaral
  • Pagbuo ng pananaliksik
    1. Isipin kung ano ba ang gusto mong malaman o matutuhan
    2. Isipin kung ano nga ba ang nais mong makalap upang ito'y maibahagi sa iba
    3. Gawing payak, impormatibo at matapat ang paglalahad ng anumang impomasyong iyong nakalap
  • Prinsipyo ng Pagsulat
    • Malinaw ang pagbabalangkas ng mga ideya
    • Iwasang gumamit ng mga maligoy na salita
    • Banggitin ang mga pinagkunang sipi
    • Magsulat ng masigla ngunit direkta
    • Gamitin ang angkop na salita
  • Tinig sa Pagsulat
    • Ang mga pinagkunan mo ng datos ay tulay lamang, ikaw ang nagsasalita
    • Gamitin ang sariling tinig, maging malinaw upang lubos na maunawaan
  • Pagtatala
    1. Gawing payak at malinaw
    2. Isaayos ang mga tala sa notecard
    3. Magbigay ng karagdagang halimbawa
  • Sanggunian
    • Maraming sanggunian ang mainam sa pananaliksik
    • Ang isa o dalawang sanggunian ay maituturing na isang kakulangan
    • Ang iyong papel ay kabuuan ng mga nakatipon mong kaalaman o datos at hindi pag-uulit ng iilan lamang na kaisipan