Ap

Subdecks (1)

Cards (46)

  • Pag-unlad
    Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay
  • Pagsulong
    Bunga ng proseso ng pag-unlad
  • Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat, halimbawa: mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan
  • Tradisyonal na pananaw sa pag-unlad
    Pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang kanyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito
  • Makabagong pananaw sa pag-unlad
    Ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan
  • Pag-unlad ayon kay Amartya Sen
    Mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito
  • Ang China at Malaysia ay masasabing progresibo, maraming modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa
  • Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa
  • Mga salik na makakatulong sa pagsulong ng ekonomiya
    • Likas na Yaman
    • Yamang-Tao
    • Kapital
    • Teknolohiya at Inobasyon
  • Pagsulong
    Sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalilikha sa loob ng isang panahon
  • Pag-unlad
    Isang multidimensyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay-pantay at pag-alis ng kahirapan
  • Human Development Index (HDI)

    Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: Kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay
  • Ang HDI ay nalikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito
  • Ang United Nations Development Programme (UNDP) ay naglalabas ng Human Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito
  • Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa
  • HDI
    Nalikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito
  • Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng kaunlarang pang-tao) at 1 (pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao)
  • Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarang Pambansa ng dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa kaunlarang pantao
  • Bawat taon, ang United Nations Development Programme (UNDP) ay naglalabas ng Human Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito
  • Mahbub ul Haq: 'Ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan'
  • Ang mga pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at maaaring magbago
  • Mga bagay na pinahahalagahan ng mga tao na hindi kayang ipakita ng mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago
    • Mas malawak na akses sa edukasyon
    • Maayos na serbisyong pangkalusugan
    • Mas matatag na kabuhayan
    • Kawalan ng karahasan at krimen
    • Kasiya-siyang mga libangan
    • Kalayaang pampolitika at pangkultura
    • Pakikilahok sa mga gawaing panlipunan
  • Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay
  • Mga karagdagang palatandaan na ginagamit ng HRDO ng UNDP
    • Inequality-adjusted HDI
    • Multidimensional Poverty Index
    • Gender Inequality Index
  • Inequality-adjusted HDI
    Ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa
  • Multidimensional Poverty Index
    Ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon, at antas ng pamumuhay
  • Gender Development Index
    Sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae
  • Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao
  • Ang Human Development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito
  • Tanging ang katotohanang ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao
  • Ang itinuring na tunay na yaman ng isang bansa ay ang Yamang Tao
  • Ang HDI ay nilikha upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa
  • Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso
  • May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang bansa