Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan. Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin.
Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
Ayon kay Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Ayon kay Badayos (2000) ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Ayon kay Peck at Buckingham Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
sosyo-kognitibong pananaw - ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti..
intrapersonal at interpersonal - Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili, gayundin bilang isang multi-dimensyonal na proseso, kung saan isinasaalang-alang ang mga mambabasa.
Oral na Dimensyon - Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tektong iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
Biswal na Dimensyon - Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo
impormatibong pagsulat - naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
mapanghikayat na pagsulat - naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
malikhaing pagsulat - ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Pre-writing - Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginaggawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
Actual Writing - Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft Para sa mga akdang tuluyan o prosa.
Rewriting - Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.
Akademiko - Mga sulating isinasagawa mula sa antas primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral.
Teknikal - Ito ay isang espesyalisadong uri ng pigsulat na tumutugon sa meta kognitibo at sikolohikal na pa ngangaila ngan ng mga mambabasa, at minsan maging ng manunulat mismo.
Journalistic - Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang gin.awa ng mga mamamahayag o journalist.
Reperensyal - Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon.
Propesyonal - Ito ang uri ng pagsulat nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
Malikhain - Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasvon ng manunulat, bagama't maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat.
Katotohanan - Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan
Ebidensya - Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga ito upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
Balanse - Nagkakasundo ang hales lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento av kailangang gumamit ng wikane walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal.
Kompleks - Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salitang mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.
Pormal - Hindi angkop dito ang mga kolokval at balbal na salita at ekspresyon.
Tumpak - Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis at walang kulang.
Obhetibo - Ang pokus nito ay ang impormasvong nais ibigav at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanvang mambabasa.
Eksplisit - Ang akademikong pagsulat ay kailangang malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto av nauugnay sa isa't isa.
Wasto - Maingat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
Responsable - Sa akademikong pagsulat, ang manunulat av kailangang maging responsab le lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
Malinaw na layunin - Kinakailangang matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.
Malinaw na Pananaw - layunin ng papel na maipakita ang kanvang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel, Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.
May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata av kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag.
Lohikal na organisasyon - Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyunal na hulwaran.
Matibay na Suporta - Ang katawan ng talataan av kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa parnaksang pangungusap at tesis na pahavag.
Mga Layunin sa Pagsulat ayon kay Bernales„ et al, (2001)
Ang buod ay tala ng isang indibidwal, Sa sarili niyang pananalita, sa kanvang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
Ang sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ay paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang akda o sulatin.
1. Ang explanatory synthesis ay isang sulating naglalavong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay.