Wek 2

Cards (12)

  • Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga mamamayan
  • Mga stratehiya na makakatulong sa pag-unlad ng bansa
    • Tamang pagbabayad ng buwis
    • Makialam
    • Bumuo o sumali sa kooperatiba
    • Pagnenegosyo
    • Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
    • Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
    • Tamang pagboto
    • Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad
  • Tamang pagbabayad ng buwis
    Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makatutulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan
  • Makialam
    Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korupsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala
  • Bumuo o sumali sa kooperatiba
    Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa
  • Pagnenegosyo
    Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan
  • Pakikilahok sa pamamahala ng bansa

    Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino
  • Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
    Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhan produkto. Dapat nating pagsikapan na tangkilikin ang mga produktong Pilipino
  • Tamang pagboto
    Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa
  • Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad

    Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran
  • Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos
  • Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad